Advertisers

Advertisers

Pagtatapos ng ‘Tourism Month’, pinangunahan ni Mayor Honey

0 50

Advertisers

PINANGUNAHAN ni Manila Mayor Honey Lacuna ang pagtatapos ng selebrasyon ng ‘Tourism Month’ sa lungsod sa pamamagitan ng paggunita sa 60th anniversary ng Manila City Band, na kilala bilang ‘Banda ng Maynila.’

Sa kanyang maiksing mensahe, inanunsyo ni Lacuna ang planong pagpapaganda ng musical instruments na ginagamit ng mga band members upang patuloy itong makatugtog ng mas mahusay at makapagbigay ng magagandang musika tuwing may pagtitipon ang lungsod.

“Bilang pagsasara ng tabing sa pagdiriwang ng Buwan ng Turismo, binibigyan natin ng halaga ang 60 taong ambag ng ating Banda ng Maynila. Anim na dekada na silang nagbibigay serbisyo sa ating lungsod sa pamamagitan ng kanilang musika na kasama sa mga mahahalagang okasyon at palatuntunan ng pamahalaang lungsod,” pahayag ng alkalde sa nasabing anibersaryo ng banda na ginanap sa Bonifacio Shrine, at dinaluhan nina Department of Tourism, Culture and Sports of Manila (DTCAM) Director, Charlie Dungo, Vice Mayor Yul Servo, city officials at City Councilors.



Ayon sa alkalde, ang bawat pagtatanghal ng musika ng Manila City Band, na pinamumunuan ni Maestro Daniel Quianzon, ay pagpapakita ng dandamin na hindi kayang ipadama ng salita.

“Ang musikang handog ng ating banda ay tila nagpapahayag ng damdaming di kayang bigkasin, ngunit ang hatid nilang tunog ay tila himig na dumadaloy sa kaibuturan ng ating puso at isip,” dagdag pa ng lady mayor .



Dahil sa patuloy na pagbibigay ng Manila band ng kulay at aliw sa lahat ng okasyon sa lungsod, nararapat lamang, ayon kay Lacuna na gumawa ng paraan ang lungsod na bumili ng bagong instrumento para sa kanilang miyembro. At ito ay bilang pagkilala sa kanilang ‘di mapapantayang serbisyo sa lungsod.

Pinasalamatan at pinuri din ni Lacuna ang DTCAM sa ilalim ni Dungo, sa paglalatad nito ng makahulugang programa na layuning itaguyod ang turismo sa lungsod at gawin bilang ‘must-see place’ sa lokal at foreign tourists ang Maynila.



Sa kanyang bahagi, sinabi ni Dungo na ang Manila City Band, na nagdiwang ng kanilang 60th anniversary sa pamamagitan ng isang concert na tinawag na ‘Sisentarenata’ na ginawa sa was held Bonifacio Shrine, ay itinatag noong 1963 sa panahon ng nasirang Mayor Antonio Villegas. Ito ay pinamumunuan ni retired Maj. Ambrosio Ordonia at ang mga miyembro nito ay binubuo ng mga talented musicians mula sa iba’t-ibang tanggapan ng Manila City Hall.

Ipinagmalaki rin ni Dungo na ang nasabing banda na nasa ilalim ng kanyang tanggpan ay nanalo sa competition na ginawa sa Quezon City noong 1989 at 1997. Ito rin ay nanalo dahil sa kanilang Best in Interpretation ng ‘Veteranos Dela Revolucionario’ sa isang competition sa Quirino Grandstand.

“The Banda ng Maynila serenades with music that enchants everyone not only with sounds but also with the vibrant energy that radiates through every instrument they are playing,” dagdag pa nito. (ANDI GARCIA)