Advertisers

Advertisers

Bakbakan sa Kongreso

0 81

Advertisers

HINDI pa tapos ang labanan sa confidential fund ni Sara Duterte. Kahit iurong ng Kamara de Representante ang panukalang P650 milyon na confidential fund sa OVP at Deped, hindi nakakasiguro ang sambayanan na totoong ililipat sa Philippine Coast Guard (PCG) , National Intelligence Coordinating Agency (NICA), at iba pang ahensya na humaharap sa tensyon sa West Philippine Sea.

Maraming tulisan sa Kongreso. Usong-uso ang saksakan sa likod. Hindi kami magtaka kung biglang ibalik ang panukalang confidential fund kapag naisalang ito sa bicameral conference committee kung saan maraming mahika ang nangyayari sa panukalang pambansang budget. Itinuturing na pangatlong chamber ang bicameral committee dahil pinakamakapangyarihan ito kung ano ang magiging anyo ng anumang nakasalang na panukalang batas.

Madalas mangyari na magkaiba ang huling anyo ng anumang panukalang batas sa pinanday sa Kongreso. Iba ang bersyon ng Senado sa bersyon ng Kamara de Representante. Binubuo ang bicameral conference committee na bubuuin ng magkaparehong bilang ng mambabatas mula sa Senado at Kamara. Sila ang papanday ng huling bersyon at kaagad na dadalhin sa kani-kanilang chamber upang pagbotohan ng walang debate. Ito ang magiging batas.



Nangyayari sa bicameral conference committee na lumitaw ang kontrobersyal na probisyon na pinatay sa Senado o Kamara. Kung paano lumilitaw, iyan ang hindi maipaliwanag. Mayroon mambabatas na magaling sa mahika. Kaya marapat manmanan ang kahihitnan ng panukalang confidential fund ni Sara. Hindi pa tapos ang laban.

***



KRITIKAL ang senyas ni Ispiker Martin Romualdez sa desisyon ng delegasyon ng Kamara sa bicameral conference committee. Kapag sumenyas siya na tuluyang patayin ang panukalang confidential fund ni Sara, hindi makakaporma ang delegasyon ng Senado upang ibalik ang probisyon ng confidential fund sa national budget. Tingnan natin ang senyas ni Romualdez na balita na mahigpit na katunggali ni Sara sa panguluhan sa 2028.

Hindi nakakapagtaka na ibinigay lahat ng gobyernong BBM ang bawat hingin ni Sara sa usapin ng pondo. Wala sa katwiran ang gusto ni Sara, ngunit ibinigay rin. Mukhang hindi naramdaman ni Sara, o sadyang kulang lang dunong at unawa, na lubid na bibigti sa kanyang sariling leeg ang ibinigay ni BBM sa kanya. Sa huli, labis na nagtiwala sa sarili si Sara. Kinabog sa dibdib sa kabi-kabilang atake sa kanya. Isang malaking operasyon na inilunsad laban sa kanya.



Kung pagbabatayan ang naunang senyas sa Kamara, mukhang walang pag-asa kahit katiting ang panukalang confidential fund ni Sara. Mahirap ipaliwanag ang gusto ni Sara. Kahit siya hindi niya naipaliwanag ng maayos. Maraming nakakatunog na nanakawin lang ang malaking pera. Totoong hawak ni Sara ang Kamara. Hindi puede ang asal spoiled brat ni Sara. Ipapahiya siya ng tuluyan sa sambayanan ng Kamara.

Hindi kami magtaka kung tuluyang ihabla si Sara at may sumampang kaso ng impeachment laban sa kanya sa Kamara. Mahina sa pakiramdaman si Sara. Mukhang hindi niya alam na mismong ang kakampi niya sa dudurog sa kanya sa labanang pulitikal sa bansa. Tingnan natin ang tikas na palalo. Tingnan natin kung matibay ang dibdib niya sa bakbakan.

***

KUNG si Prof. Renato de Castro ng De La Salle University ang tatanungin, natauhan ang China ng sirain ng Filipinas, sa pamamagitan ng Philippine Coast Guard, ang fishing barrier na inilagay ng Peking sa Bajo de Masinloc, o Scarborough Shoal. Hindi sukat akalain ng Peking na papalag ang Filipinas sa kanilang panunuwag sa karatig bansa. Ang buong akala ng Peking si Rodrigo Duterte pa ang nakaupo. Napaso at wala silang nagawa ng buwagin ang fishing barrier.

Hindi nakaganti ang China. Ganyan palagi ang Peking. Susubukan hanggang maaari kung papalag. Pero hindi na sila lalaban kapag pumalag ang Filipinas. Magaling lang manduto ang mga Intsik. Takot sila kumilos dahil alam nila na kapag gumanti sila ng dahas, bubuhayin ng Filipinas ang Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Filipinas at Estados Unidos. Takot ang Peking na diretsong makialam ang Washington.

***

NAILUNSAD kahapon ang Atin Ito!, isang koalisyon ng mga organisasyon ng civil society, mangingisda, artista, lider Simbahan, at mangangalakal upang hikayatin ang iba’t ibang sektor ng lipunan upang kontrahin ang pamamayagpag ng China sa West Philippine Sea. Bahagi sa kanilang layunin na pag-ibayuhin ang kampanya sa world community na kilalanin ang 2016 arbitral desisyo ng UNCLOS.

Kasama sumusuporta sa Atin Ito! Akbayan Senator Risa Hontiveros, Bishop Emeritus Deogracias Iñiguez, Edicio Dela Torre, pangulo ng Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), Filipino aktor at direktor Jun Sabayton, fisherfolk leaders, TeamManila Lifestyle, artists and student council leaders.

Ayon sa isang pahayag ng koalisyon: “Atin Ito! said that it will launch a Christmas donation drive in schools, churches, communities and workplaces to gather necessary resources for our WPS fisherfolk and frontliners, and hopefully, a civilian supply mission (Christmas convoy) to the WPS to bring necessary supplies, such as food, water, medical resources, and other essentials in order to improve the living circumstances and operational capabilities of the country’s fisherfolk and frontliners in the area.

“A Paskong Handog concert is also being planned by Atin Ito’s volunteer artists to help build a strong and broad WPS constituency through music and arts. Atin Ito! is comprised of the Philippine Rural Reconstruction Movement (PRRM), the Center for Agrarian Reform for Empowerment and Transformation (CARET), Pambansang Katipunan ng mga Samahan sa Kanayunan (PKSK), Pambansang Kilusan ng mga Samahang Magsasaka (PAKISAMA), Team Manila Lifestyle, concerned artists, Akbayan Party, Akbayan Youth and concerned artists.”

***

MGA PILING SALITA: “SO what if I spent my P125 million confidential funds in 19 days, or 11 days as the COA said? I can spend it in an hour, or a minute if I want to… That money is intended for my office, and I can spend it the way I want it to be spent… By its nature it’s Confidential fund, and you have no business scrutinizing what is confidential…” – Sara Duterte

“To test a man’s character, don’t just give him power and money but let him drive in Metro Manila!” – Sahid Sinsuat Glang, netizen, dating sugo

“Two things my editors told me when I was an upstart in journalism: First, no documents, no story; and second: listen at all cost.” – PL, netizen, kritiko

“What is happening now on the issue of population management reflects the glaring reality that ours is a soft state with a hard Church. An interventionist Church that sticks to ancient but obsolete dogmas is an anathema to development and nationbuilding. We need a Church that could offer us a new theology of development.” – PL, netizen