Advertisers

Advertisers

EDSA bus carousel lane, hinigpîtan ng LTO

0 52

Advertisers

DAHIL sa padami nang padaming motorista ang patuloy na lumalabag sa paggamit ng EDSA bus carousel lane, lalo pang naghigpit ang Land Transportation Office (LTO) sa utos ni Assistant Secretary Vigor Mendoza II.

Inatasan din ni Mendoza ang LTO-National Capital Region na kilalanin ang operator at driver ng taxi na humarang sa ilang bus nang bumaha sa bahagi ng Camp Aguinaldo Gate 3 ng EDSA noong Setyembre 23.

Sinabi ni Mendoza na nagsasagawa na rin sila ng imbestigasyon sa insidente kungsaan muntik nang masagasaan ng isang motorista ang isang MMDA traffic enforcer at nagtangkang tumakas nang dumaan sa EDSA Bus Carousel lane noong Setyembre 21.



“Nagiging bisyo na ng ilang abusadong motorista ang paggamit ng EDSA Bus Carousel. We recognize the limited manpower of the MMDA to strictly enforce and while the LTO has the same problem, we will tap some of our enforcers to reinforce our brothers in the MMDA in keeping an eye on the EDSA Bus Carousel,” giit ni Mendoza.

Paulit-ulitt na aniya ang MMDA sa kanilang babala sa mga motorista na walang pribadong sasakyan ang dapat na gagamit sa EDSA Bus Carousel lane, maliban sa mga sasakyang ginagamit para sa emergency response tulad ng ambulansya, fire truck at police cars. (Àlmar Danguilan)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">