Advertisers

Advertisers

Lalaking Hawaiian na nahatulan sa child porn, ‘di pinapasok ng bansa ng BI

0 42

Advertisers

ISANG American citizen na dati nang nahatulan sa kanyang bansa dahil sa crimes against children ang hindi pinayagang makapasok sa bansa ng Philippine immigration.

Sinabi ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na si Ronald Huy Young, 54, ay hinarang na makapasok ng bansa makaraang bumaba ito ng Philippine Airlines flight mula Honolulu, Hawaii, nitong Linggo.

Si Young ay ‘di pinapasok ng bansa ng immigration dahil sa paglabag nito Philippine immigration act of 1940. Sinasaad sa batas na ang mga dayuhan na dati ng nahatulan sa mga krimen na may kinalaman sa moral turpitude ay hindi puwedeng tanggapin sa Pilipinas.



Lumalabas sa records ng Hawaii Criminal Justice Data Center na si Young ay guilty sa electronic enticement of a child in the first degree.

Siya ay nahatulan ng first circuit court sa State of Hawaii ng 10 taong pagkakakulong noong 2008, kabilang din siya sa state’s sex registry.



Muling inulit ni BI Commissioner Norman Tansingco na ang mga dayuhang may records ng sexual crimes ay hindi welcome sa bansa.

“The law is very clear in its intent to protect Filipinos from foreigners who might be engaged in sex tourism and may prey upon the vulnerable,” sabi ni Tansingco.



“Aliens with such criminal records are barred from entering our country,” dagdag pa nito.

Si Young ay agad din pasasakayin sa susunod na available flight pabalik sa bansa kung saan ito galing at ang kanyang pangalan ay isasama sa blacklist ng BI. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)