Advertisers
NASAGIP mula sa umano’y sex trafficking activities ang walong indibidwal kabilang ang anim na menor de edad mula 9 hanggang 12 taon gulang sa entrapment operation ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Maynila.
Naaresto ang “bugaw” matapos makipagkasundo at tumanggap ng bayad mula sa undercover operative ng NBI.
“’Yung una, magpapadala sila ng pictures na katunayan na nag-a-alok sila ng mga menor de edad na kabataan and then ime-meet up at prepresyuhan,” sabi ni NBI Violence Against Women and Children Division chief Yehlen Agus sa 24 Oras.
Ayon sa NBI, hindi batid ng mga magulang ng mga bata na ibinubugaw sila online.
Kasalukuyang nakakulong sa NBI detencion facility ang bugaw na nahaharap sa mga reklamong qualified trafficking at child abuse.
Itinurn-over na ang mga menor de edad sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development para sa counselling at psychological intervention. (Jocelyn Domenden)