Advertisers
ARESTADO ang Top 1 Most Wanted Person, at Top 4 MWP District Level sa 3 Counts of Rape sa Brgy. Bayan-Bayanan, Malabon City
Kinilala ang naaresto na si Darren Cutanda y Aganda, itinuturing na Top 1 Most Wanted Person sa Malabon.
Naaresto din ang Top 9 Most Wanted Person NCRPO Level, Top 7 Provincial level (Romblon), Top 8 ng Malabon City na si Ritchie Estotil y Adacu sa kasong Anti- Carnapping Act na naaresto naman sa Brgy. Combot, San Jose, Romblon sa isinagawang joint operatives ng CIDG 4B, RID- MIMAROPA, San Jose MPS, Romblon PIU at Malabon City Police Station.
Kabilang din sa naaresto ang Wanted Person na si Jennifer Maglalang y Salao sa paglabag naman sa Ecological Solid Waste Management Act
Pang-apat naman sa tala ang pagkaaresto sa dalawang katao sa paglabag sa PD 1602 (cara y cruz) sa Brgy Bayan-Bayanan.
Pinapurihan naman ni Northern Police District Director PBGen. Rizalito Gapas ang Malabon PNP na pinamumunuan ni PCol. Jay Baybayan sa walang humpay na pagtugis sa mga nagkasala sa batas.(Beth Samson)