Advertisers

Advertisers

Anyare sa balik probinsya program?; at ang palusot ng DPWH sa mga maayos na daang binubungkal

0 8

Advertisers

NAAALALA n’yo pa ba ang Balik Probinsiya Program ng nakaraang administrasyon?

Ito yung programa ng nakaraang administrasyon na binadyetan ng mahigit P3 bilyon para sa pagpauwi sa probinsiya ng mga pamilya ng probinsiyano na naninirahan sa Metro Manila pero walang permanenteng hanapbuhay at gusto naring bumalik ng kaniloang probinsiya kaso walang puhunan para magsimula ng kanilang livelihood.

Sa programang ito, nagbigay ang gobyerno ng P100,000 sa bawat pamilya na qualified para sa balik probinsiya program. Marami ang nabiyayaan dito, naubos nga ang badyet na higit P3 billion eh.



Eh kumusta na kayo ang mga pamilyang nagbalik probinsiya?

Sa aking mga pagtatanong hinggil sa mga pamilyang nabiyayaan ng P100,000 sa naturang programa, marami sa kanila ay bumalik sa Metro Manila. Naubos na raw kasi ang ibinigay sa kanila. Nalugi! Paano raw kasi puros alak, sugal at pagbili ng gadgets ang ginawa kaya hindi napalago at naubos ang puhunan.



Sa aking pagkakaalam, ang mga sumailalim sa balik probinsiya program ay bawal nang bumalik sa Metro Manila. Kaya nga pinamo-monitor sa local DSWD ang status ng livelihood na kanilang pinundar sa ipinagkaloob sa kanilang P100K na puhunan.

Ano na nga ba ang nangyari sa programang ito? Aba’y higit P3 bilyong taxpayers money ang naubos dito. Dapat imbestigahan ito ng Kongreso at magsumite ng audit report ang CoA rito.



Kalkalin!

***

Tama sina Senador Ronald “Bato” Dela Rosa at Senador “Koko” Pimentel sa pagpuna sa Department of Public Works and Highways (DPWH) hinggil sa paggiba ng mga ito sa mga maaayos pang kalsada, habang ang mga sirang kalye ay hindi inaayos.

Ginawa nina Bato at Koko ang paggisa kay DPWH Sec. Manuel Bonoan sa budget hearing ng ahensiya na humihirit ng mahigit P800 billion para sa taon 2024.

Paliwanag ni Bonoan, kaya binubungkal ang mga maaayos pang kalsada ay dahil depektibo ito at para maiwasan makagastos pa ng malaki kaya inaayos kaagad. Ganun?

Hindi naman kumbinsido si Sen. Koko sa naging paliwanag ni Bonoan.

Ang DWPH ay kilalang pinakanotoryos sa katiwalian. Mismo!

***

Tuluyan nang tinanggalan ng confidential funds (P650 million) ang mga tanggapan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio. Nadamay pa ang Dept. of Agriculture, Dept. of Information and Communications Technology at Dept. of Foreign Affairs.

Nauna nang nagsabi ang DFA ‘di nila kailangan ng confi funds.