Advertisers
PLANTSADO na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Maharlika Investment Fund (MIF).
Ginawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pahayag makaraang makipagpulong sa mga kinauukulang opisyal at stakeholders.
Ayon kay PBBM, matapos aprubahan ang IRR ay agad na bubuuin ang corporate structure ng MIF.
Aniya, pagkatapos naman nito ay pagaganahin at magiging operational na ang kauna-unahang sovereign wealth fund ng Pilipinas. (Gilbert Perdez)