Advertisers
WINALIS ng defending champion National University (NU) ang Adamson University,25-13,26-24,25-20, sa Rizal Memorial Colesium Linggo, para makabalik sa 2023 Shakeys Super League (SSL) Pre-Season Championship finals.
Erin Pangilinan tumipa ng 11 points sa knockout semifinal match upang pamunuan ang Lady Bulldogs, na makapasok sa best-of-three championship series na undefeated sa 7-0.
Alyssa Solomon Nagdagdag ng 10 points habang si Bella Belen at Vangie Alinsug bumakas ng nine at eight points,ayon sa pagkakasunod, sa balansing atake ng NU.
Makakasagupa ng Lady Buldogs ang magwawagi sa ibang semis bracket sa pagitan ng University of Santo Tomas GoldenTigresses at Far Eastern University Lady Tamaraws, na kasalukuyang naglalaban para sa huling final berth.
“We have to check first who’s going to be our opponent [in the final]. From there we will make our adjustments,” Wika ni NU coach Norman Miguel.
Jen Villegas,Ayesha Juegos, at Barbie Jamili ang nanguna sa Lady Falcons sa iniskor na tig-seven points.
Adamson nagtapos sa 5-2 overall rekord.