Advertisers

Advertisers

Ika-5 batch ng repatriated OFWs mula Israel dumating na sa bansa

0 9

Advertisers

DUMATING na sa Pilipinas ang ikalimang batch ng mga Filipino repatriates mula sa Israel.

Binubuo ng 22 overseas Filipino workers at isang sanggol ang mga umuwi na ligtas na nakarating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 pasado alas-3 ng hapon nitong Lunes.

Sa 22, may kabuuang 19 ang nagtatrabaho bilang caregiver habang tatlo ay mga hotel workers.



Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), kabilang sa mga pinauwi ay si Mary June Prodigo, kapatid ng pinaslang na Pinay si Grace Prodigo Cabrera, na nagdala ng abo ng kanyang kapatid sa kanyang pagbabalik mula sa bansang napinsala ng digmaan sa Israel at ng Hamas.

Malugod na tinanggap ni DMW Officer-in-Charge Hans Cacdac, Israel Ambassador to the Philippines Ilan Fluss, at OWWA Administrator Arnell Ignacio ang mga repatriated OFWs.



Dagdag dito, inalok sila ng repatriation assistance package na P50,000 bawat isa mula sa OWWA para tugunan ang mga pangangailangan ng kanilang mga pamilya at tulungan silang maayos na makabalik sa kanilang pang-araw-araw na buhay.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">