Advertisers

Advertisers

Inflation nitong Oktubre bumagal sa 4.9% – PSA

0 11

Advertisers

NANINIWALA ang gobyerno na malaki ang ibinagal ng inflation o galaw ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Oktubre.

Ayon kay PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nasa 4.9% ang inflation nitong nakaraang buwan, mas mababa sa 6.1% headline inflation noong setyembre.

Kaugnay nito mas mababa pa ito sa forecast range ng Bangko Sentral ng Pilipinas na nasa 5.1 hanggang 5.9%



Dahil dito, ang average inflation naman mula Enero hanggang Oktubre ay nasa antas na 6.4%.

Paliwanag ng PSA, bunsod ito ng pagbagal sa inflation sa food and non-alcoholic beverages na nasa 7% ang inflation nitong oktubre mula sa 9.7% inflation noong setyembere



Partikular dito ang pagbagal ng galaw ng presyo ng gulay, kamatis at bigas.

Ang rice inflation nga nitong oktubre ay bumagal sa 13.2% kumpara sa 17.9% noong Setyembre.



Samantala sa monitoring ng PSA, nasa P45.40 kada kilo nalang ang average na presyo ng regular milled-rice, mula sa P47.50 bentahan noong setyembre. Habang ang well-milled rice naman ay bumaba rin sa P51 ang kada kilo mula sa P52.70 kada kilo noong oktubre.

Sa NCR, bumaba rin sa 4.9% ang inflation mula sa 6.1% noong setyembre dahil pa rin sa pagbagal ng taas presyo sa pagkain.

Bukod sa NCR, may 15 rehiyon ang nagtala rin ng mas mababang inflation nitong Oktubre. (Boy Celario)