Advertisers

Advertisers

KASABAY NG IKA-89 ANIBERSARYO, PCSO IPAGPAPATULOY ANG TAOS-PUSONG SERBISYO SA BAWAT PAMILYANG PILIPINO

0 11

Advertisers

KASABAY ng ika-89 taon anibersaryo ng pagkakatatag ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), nangako ito na ipagpapatuloy ang pagbibigay ng taos-pusong serbisyo at pagiging ka-partner ng bawat pamilyang Pilipino.

“We will continue to provide heartfelt service as we strive to be the Filipino family’s partner in both their trials and triumphs in life in the years to come,” ani PCSO Chairman Junie E. Cua.

Nangako rin si Cua na target ng ahensiya na masira ang kanilang rekord taun-taon hinggil sa laki ng kanilang magiging koleksyon o kikitain gayundin ang malaking dagdag na bilang ng mga benepisyaryo na pinaglilingkuran nito.



“We will try to break records year-on-year. Hindi tayo magiging kampante, bagkus ay lalo pa tayong magsisipag para tumaas ang revenue at ang bilang ng napaglilingkuran nating kababayan. Alinsunod na rin ang ating commitment sa nais ng Pangulong Bongbong Marcos na lalong paigtingin ang serbisyo sa ating kapwa,” giit ni Cua.

Sinabi rin ni Cua na magsasagawa ng ilang aktibidad ang PCSO alinsunod sa anibersaryo nito.



“Sa mga susunod na araw ay aarangkada po ang iba’t ibang aktibidad gaya ng mga medical mission sa iba’t ibang lugar,” ani Cua.

Ibinahagi din ng Chairman ang kanyang pananabik dahil ang pinakamababang lotto jackpot prize para sa lahat ng major lotto games nito ay nakatakda sa P89 milyon noong Oktubre 30 para markahan ang anibersaryo nito.



“Mas malaki at mas masaya ang pa-premyo para sa pagdiriwang ng ating 89th Anniversary. Pagpapasalamat na rin natin ito sa ating mga kababayan dahil kung hindi rin dahil sa inyo, hindi magagawa ng PCSO ang charity programs nito,” ayon pa kay Cua.

Nauna nang inanunsyo ng ahensya na ang P89-million na premyo ay naaangkop sa Grand Lotto 6/55 at MegaLotto 6/45, na mga larong binubunot tuwing Lunes.

Ang premyo ay ihahalintulad din sa UltraLotto 6/58 (TFSun), SuperLotto 6/49 (TThSun), at Lotto 6/42 (TThS) kung walang mananalo sa Lunes, at tataas nang naaayon hanggang sa matamaan ang jackpot.

Nabatid na isang nag-iisang taya mula sa Nueva Vizcaya ang nanalo sa Lotto 6/42 draw na may premyong P102,254,379.40, inihayag ng ahensya noong Lunes, Nobyembre 6.

Ang PCSO ay nilikha sa pamamagitan ng Act 4130, na ipinasa ng Lehislatura ng Pilipinas noong Oktubre 30, 1934.