Advertisers

Advertisers

SENATE TO HAIL AIELLE AGUILAR

0 13

Advertisers

NOT only once but twice!

Tinanghal na kampeon sa mundo sa larangan ng jiu- jitsu kids division ang 5- taon gulang pa lang noong nakaraang taon na si Aielle Aguilar ng Pilipinas.

Ang tagumpay ng musmos na atleta ay kinilala ng Philippine Sportswriters Association kung kaya nagawaran siya ng pambihirang PSA Awards as an outstanding young Filipno athlete.



Ngayong 2023 , pinatunayan ng 6 -anyos na si Aielle na hindi tsamba, swerte o nagkataon lang dahil muli niyang nakopo ang kampeonato sa Abu Dhabi World Festival Jiu-Jitsu Championship kids division sa United Arab Emirates.

Tinalo ng batang Aguilar ang pambato ng host UAE via 12 seconds submission para sa ginto.Nauna dito ay ginapi niya ang palabang jiu-jitsu bet ng powehouse Brazil.



Tunay na nasa dugo ni Aielle ang pagiging kampeon sa larangan.Ang kanyang amang si Alvin Aguilar ay international jiu- jitsu titlist gayundin ang kanyang inang si Maybeline Masuda.

Kasalukuyang pangulo si Alvin Aguilar ng Wrestling Association of the Philippines at founder ng Universal Reality Combat Championship ( URCC ) Mixed Martial Arts.



Napakalaki ng posibilidad na si Aielle na ang future SEAGames , Asian Games at World champion at malay natin – ang ultimate goal ng bawat atleta – ang Olympic GOLD sa hinaharap.

Basta sa suporta at pagkilala ng pamahalaan, Sa Senado at Kongreso hanggang Palasyo pati lahat ng konsernado, ang pangarap ng musmos ay magiging lubos.

Tiyak na hihiranging katangi – tangi at pag-asa sa pambansang sports si Aielle partikular ng Senate Committee in Sports na pinamumunuan ni Senator Bong Go… ABANGAN!