Advertisers
NASAWI sa pananambang ang isang bagong halal na barangay chairman sa Pamabo City, Davao del Norte Linggo ng hapon.
Kinilala ang biktima na si Engr. Paul Albert Saquian, nanalong kapitan ng Barangay Datu Abdul, Panabo City.
Ayon kay PEMS Dennis M.Persigas, may hawak ng kaso, 3:15 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa Purok Mangga, Brgy. Datu Abdu Dadia.
Papauwi na ang biktima sakay kotseng Nissan Almera (LAD 3216), habang binabagtas ang city road galing New Visaya nang tapatan ito ng riding in tandem at pagbabarilin.
Tinamaan ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan, habang mabilis namang tumakas ang mga salarin patungo sa lungsod.
Isinugod pa ang biktima sa ospital ngunit namatay din pagkaraan ng ilang oras.
Patuloy ang isinagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa krimen. (Mark Obleada)