Advertisers

Advertisers

Mrs. Homan na nxt yr… Angelica last b-day na bilang Panganiban; Bea makukuha na ang residency card sa Spain

0 13

Advertisers

Ni BETH GELENA

ANG haba ng birthday message ni Kim Chiu sa kaibigang si Angelica Panganiban.
Grateful daw siya at naging kaibigan siya ng actress.
Aniya: “Happy birthday, momsy @iamangelicap never ko na imagine na magiging kaibigan ko ang isang Angelica Panganiban.
“Thank you for being a great friend to me, napaguspan nga natin kahapon, without even saying alam mo lahat ng nangyayari sa buhay ko.
“Thank you, moms for always being there for me and sa buhay kailangan mo ng kaibigan na totoo sayo wala nang pabulaklak basta yun na yun!
“We may not see each other often, pero thank you dahil alm ko lagi kang anjan para sakin.
“Swerte ako na may kaibigan ako tulad mo and momsy @bela.
“I love you so much momsy! Super happy ako sa nangyayari sa life mo! deserve mo lahat ng meron ka ngayon.
“Excited na ako sa susunod na mga buwan para sayo! Looking forward ng malala!!!
“Happy birthday, moms! More happiness, more blessings, more bondingss, and shempre good health! love you sooo sooo much!”
Pinasalamatan din ni Kim ang fiance ni Angge at ang kanilang anak.
“Thank you @gregg_homan and bean for making my momsy COMPLETE!??????”
Sey naman ng aktres, “Akala ko nasa ibang bansa tayo kagabi. Akala mo din wala akong anak”
chinitaprincess: “thank you momsy. Looove you forever!!”
Sa isang post naman ni Angge sa celebration ng kanyang birthday ay pinasalamatan niya ang mga dumalo.
Aniya: Salamat sa pagsama nyo sa aking kaarawan bilang sa huli kong Ms Panganiban.”
Ikakasal na kasi siya next year sa ama ng kanyang anak na si Gregg.
***
BEA MAKUKUHA NA RESIDENCY CARD SA SPAIN
BAGO lumipad si Bea Alonzo patungong Spain ay nagawa pa niyang mag-vlog.
Habang nag-iimpake ng mga dadalhin sa byahe ay shinare ni Bea kung papano siya mag-organize ng mga gamit na dadalhin.
Tutungong Spain ang actress dahil makukuha na ang kanyang residency card doon.
20 days daw siyang maninirahan doon at sa nabili niyang house siya magi-stay kaya raw may dala siyang towel.
Aniya, sa kanyang biyahe raw na ito ay makukuha na niya ang kanyang resident card sa Spain.
Ito raw ang unang pagkakataon na matitirahan niya ang biniling condo unit sa Madrid, Spain
Aniya pa, ita-try niyang mag-house tour sa nabiling condo unit sa Spain.
Kasama umano ng aktres ang fiance na si Dominic Roque sa kanyang Europe trip.
Nagreak naman ang mga Marites.
“Hindi kaya mauna ang honeymoon sa kasal nila?”
“20 days? Marami nang mangyayari sa 20 days na yun!”
Komento naman ng isa, “baka trial marriage muna para tuluyan nilang makilala ang isa’t isa.”
“Titira sila sa iisang bubong di ba parang nag-live-in na sila doon?”
O di ba, ang advance ng pag-iisip ng mga Marites?
Kung makapag-isip wagas, hindi pa nga knows kung sure na kasama si Dom sa byahe.
***
CHIE SINABIHANG MANYAK ANG BASHER NI BARBIE
INALMAHAN ni Chie Filomeno ang isang netizen na nagkomento sa post ni Barbie Imperial ng sarili niyang larawan.
Sinabi ng netizen na boring ang post ni Barbie dahil hindi ito naka-‘tupis’.
Agad namang pinagtanggol ni Chie si Barbie sa basher.
Aniya, hindi boring ang post ni Barbie naka-‘tupis’ man ito o hindi. Sinabihan din niya na umalis sa IG ni Barbie.
“Manyak mo, umalis ka dito.”
Ayon naman kay Barbie, sinopla na rin daw niya ang basher.