Advertisers
ARESTADO ang tatlong drug personalities nang makuhanan ng baril at P175k halaga ng shabu sa buybust operation sa Malabon City, Biyernes ng madaling araw.
Kinilala ni Malabon Police Chief, Colonel Jay Baybayan, ang naaresto na sina Allan Tenebro, 45 anyos; Jeffrey John Mercado, 46, kapwa ng Brgy. Tonsuya; at Jason Layton, 36, electrician, ng Barangay Hulong Duhat.
Sa report kay Northern Police District (NPD) Director, Brigadier General Rizalito Gapas, 12:30 ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng buy bust operation sa Mc Arthur Hi-way corner Riverside St., Brgy. Potrero.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 25.84 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P175,712.00 at isang cal. 45 pistol na may magazine at tatlong bala. (Beth Samson)