Advertisers
MILYUN MILYONG halaga ng puslit na sigarilyo ang nasamsam sa Zamboanga City.
Sa report ng Bureau of Customs (BOC) Port of Zamboanga, kasama nila sa maritime patrol ang mga tauhan ng Zamboanga City Mobile Force Company nang sitahin nila ang isang bangkang may kargang mga sigarilyong nagkakahalaga ng mahigit sa P13.7 milyon sa karagatang bahagi ng Maasin, Zamboanga City nitong Nobyembre 6.
Ibibiyahe sana sa Zamboanga City ang kargamento na sakay ng bangka mula Jolo, Sulu nang masabat sila ng mga awtoridad.
Ayon sa BOC, walang maiharap na papeles ang mga tripulante ng bangka kaya’t sinamsam ang kargamento. (Jocelyn Domenden)