Advertisers
BINAWI na ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang kanyang mungkahi na magkaroon ng P500 million confidential funds ang kanyang Tanggapan at P150 million para sa pinamumunuan din niyang Department of Education (DepEd).
Ang hinihingi nalang na budget ni VP Sara ay para sa pagsuporta na maisakatuparan ang kanilang programa na makatutulong para mabasawan ang kahirapan sa bansa.
Sabi pa ni VP Sara, kaya ayaw na niyang magkaroon pa ng confi-intel funds ay dahil naging dahilan na ito ng pagkakawatak-watak nila sa Team Unity.
Reaksiyon naman ni Kabataan Partylist Representative Raoul Manuel, isa sa mga kumuwestyon sa mungkahing halaga ng confidential at intelligence funds ng OVP at DepEd: “Tinatakasan lang niya ang pananagutan na magpaliwanag kung paano ginamit ang confidential funds. Sumasadsad narin ang ratings niya, at baka ayaw lang niya magisa sa Senado. A truly peaceful and strong country can be built on truth and accountability, not on trickery. Tandaan natin: unang lumobo ang pondong inilaan sa confidential funds noong panahon ni (ex-President) Rodrigo Duterte.”
Ang ratings ni VP Sara sa latest survey ng Octa Research ay bumagsak ng 8 puntos sa trust, mula 83 percent to 75%; at 12 puntos sa satisfaction, mula 82% to 70%. Bago ito ay bagsak din ang ratings niya sa 2nd quarter survey. Araguy!!!
Ang rason ng matinding pagbulusok ng ratings ni VP Sara ay ang pagkagahaman niya sa confidential funds, kungsaan pati ang bilyon bilyong confidential funds niya noong mayor siya ng Davao City ay naungkat, at pina-iimbestigahan ngayon sa Commission on Audit. Tapos hindi pa niya magawang ipaliwanag kung paano nilustay ang P125 million confi fund sa loob lamang ng 11 days noong Disyembre 2022.
Ang inaabangan pa ngayon ng publiko ay survey ng SWS at Pulse Asia. Pag lumabas na negative din ang ratings dito ni VP Sara, malamang na tuluyan nang bumagsak ang popularidad ng Inday. Abangan!!!
***
Patuloy sa pagpalakas ng partido, Lakas-CMD, si House Speaker Martin Romualdez.
Ang mga bagong pasok na miyembro ay sina Cong. Aurelio Gonzales, Jr. ng 3rd District ng Pampanga, Cong. Carmelo Lazatin ll ng 1st District ng Pampanga, at Cong. Zaldy Villa ng Siquijor. Sila’y mga dating miyembro ng PDP-Laban ni ex-President Rody Duterte.
Sabi naman ni Duterte, walang problema sa kanya kung mag-isa nalang siyang matitira sa kanyang partido.
Ang pagkalasan ng mga mambabatas na dating “sipsip” kay Duterte ay bunga ng pahayag ng dating pangulo na “ang pinakabulok na institution sa bansa ay ang Kongreso.” Kasunod narin ito ng pag-alis ng Kongreso ng confidential funds ni VP Sara.
Ang pagkalasan ng mga mambabatas sa partido ni Duterte at paglipat kay Romualdez ay senyales na ito ng mas malaking plano ng pinsan ni PBBM para sa 2025 midterm election in preparation for 2028 Presidential election. Mismo!
Oo nga pala, 45 days nalang PASKO NA PO! You know…