Advertisers

Advertisers

Lyceum nadali ang twice-to-beat bonus

0 7

Advertisers

UMISKOR sina Mclaude Guadana at John Barba ng tig-17 points para pamunuan ang opensa ng Lyceum of the Philippines University na itumba ang Arellano University,98-86, at maangkin ng Pirates ang twice-to-beat incentive sa semifinal round ng NCAA Season 99 men’s basketball sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City Linggo.

Ang Pirates ay umangat sa 13-4 sa likuran ng nangungunang Mapua Cardinals (14-3) ang dalawa ay kailangan talunin ang kanilang kalaban ng isang beses para itakda ang final match.

Shawn Umali at Enoch Valdez nagrehistro ng double-digit scores na 15 at 11, ayon sa pagkakasunod, para sa Lyceum.



Jade Talampas nagtapos ng 20 points,nine rebounds,two assists, two steals at one block para sa Arellano (2-15).

Sa ibang laro, College of Saint Benilde sumandal kay Miguel Oczon para itakda ang 72-54 wagi laban sa last year’s champion Letran.

Ang Blazers ay nanateli sa third place na may 11-6 marka.

Oczon may 12 points,kabilang ang apat na triples sa second half.

Miguel Corteza at Mark Sangco pinamunuan ang Saint Benilde sa iniskor na tig-13 points.