Advertisers

Advertisers

Dumadami uli ang miembro ng PNP nasasangkot sa kriminalidad!!!

0 15

Advertisers

ANYARE sa Philippine National Police (PNP)?, DILG Secretary Benjamin Abalos, Jr., Sir! Gising!!!

Aba’y dumadami na naman ang mga pulis na nasasangkot sa mga kriminalidad tulad ng hulidap, pangongotong, panghoholdap, pagnanakaw, at ang madalas nilang gawin sa mga raid na pagtatanim ng mga ebidensiya.

Nitong nakalipas na linggo sunud-sunod ang mga balitang panghuhulidap ng mga pulis: 3 Pulis-Rizal dinakma ng PNP-Integrity and Monetoring Enforcement Group (IMEG) dahil sa P100K kotong, MPD PS14 Anti-Drugs Unit sinuspinde sa illegal raid at pambabangketa ng 2 huli kuno sa Tondo, at itong 4 pulis sa Zamboanga City na nangholdap ng P1.8 million gamit ang pekeng arrest warrant. Animal!



Dapat taasan pa ng PNP ang kanilang proseso sa pag-recruit ng mga miyembro, tingnang mabuti ang pag-uugali at family background ng aplikante, at ikintal ng malalim sa isipan ng mga nakapasok sa organisasyon na ang pagpu-pulis ay serbisyo sa bayan, pagpanatili sa peace and order, at hindi ang manamantala at pagpapayaman.

Dapat tandaan ng bawat pulis kung gaano kahirap bago sila napasok sa PNP: Nagtapos ng 4 years college course, nagsunog ng kilay para makapasa sa board ng Crminilogy o Napolcom, dumaan sa hirap sa pag-aplay, pagkapasok ay sumailalim sa matinding training, tapos masasayang lang sa paggawa ng mga kasong nakakahiya at ‘di naman ikayayaman? Esep esep din ng malalim, mga Sir!

Kung ang rason ng mga pulis sa paggawa ng kriminalidad ay ang liit ng suweldo, hindi na ngayon.

Oo! Noong termino ni ex-President Rody Duterte, dinoble ang suweldo ng uniformed personnel para hindi na nga gumawa ng kalokohan ang mga ito. Pero wala rin, marami parin sa mga pulis ang gumagawa ng pagkukuwartahan sa iligal na pamamaraan, na ang kadalasang mga biktima ay mahihirap. Ewan!

DILG Secretary Abalos, PNP – Internal Affair Service (IAS) Inspector General Alfegar Triambulo, at PNP-IMEG chief Brigadier General Warren de Leon, mga Sir!, sa inyong mga kamay na nakasalalay kung paano masugpo ang “bad eggs” sa PNP. Pagsisipain n’yo agad sa serbisyo ang mga ‘yan para hindi na makahawa pa ng matitinong pulis natin. Now na!!!

***



Sabi ni Vice President “Inday” Sara Duterte-Carpio, hindi naman niya inambisyon noon maging Bise Presidente, at wala rin siyang ambisyon tumakbong Presidente sa 2028. Hindi nga???

Ang mga ganitong salita ay ginawa narin ng kanyang ama noon, ayaw raw tumakbo ngunit gumamit ng dummy sa pag-file ng CoC sa pagkapangulo at pumasok sa last minute.

Sabi ng netizens: “Buking na namin kayo. Kumita na yan!”

Bumababa kasi ang popularidad ni VP Sara gawa ng pagka-”gahaman” niya sa confidential funds. Mismo!!!