Advertisers

Advertisers

Daliri ng pulis naputol sa kagat ng preso

0 6

Advertisers

NAPUTOL ang parte ng gitnang daliri ng isang pulis nang kagatin ng isang lalaking inaresto dahil sa pagwawala sa Lambunao, Iloilo.

Sa ulat, sasampahan ng reklamong ‘serious physical injury’ at ‘assault upon an agent of a person in authority’ ang salarin na alyas “Jepoy”.

Ayon kay Police Major Rolando Araño, spokesperson ng Iloilo Police Provincial Office, inaresto si Jepoy dahil sa pagwawala sa kanilang lugar habang lasing.



At nang dalhin ito sa police station, nagwala uli si Jepoy hanggang sa kagatin ang daliri ng pulis na isang patrolman na nagtangkang pakalmahin ang bilanggo.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">