Advertisers

Advertisers

Ex-sundalo at radioman huling ‘gunrunner’

0 11

Advertisers

ARESTADO ang dating sundalo, at isang radio broadcaster sa pagbebenta ng unlicensed firearms sa Tagum City.

Nadakip ng Tagum City Police at ng Davao Provincial Mobile Force Company sina Patrict Daliba Ancho, 25 anyos, ng Purok Cabanisas, Barangay Mankilam,Tagum City; at Noel Arana Moraleja alyas “Andrebon Obrero”, 53, ng Purok Talisay, Barangay Visayan Village, anchorman ng RPFM 99.9 na pinamamahalaan ni Pat Lucero.

Nalambat ang mga suspek habang nagbebenta ng unlicensed .45 caliber handgun sa isang undercover operative.



Inihayag ng Tagum Police na tiniktikan nila ang dalawa nang makatanggap ng impormasyon na ilegal na nagbebenta ng armas ang mga suspek.

Nasamsam mula sa kanila ang tatlong .45 caliber pistols na ibinebenta sa halagang tig-P16,000.



Ayon kay Police Staff Sergeant Reynaldo Florentino, dalawa sa nasabing baril ang walang rekord habang paso na ang lisensya ng isa pa.

Bukod sa mga armas, nakumpiska rin ang dalawang driver’s license IDs mula kay Moraleja sa ilalim ng dalawang pekeng pangalan.



Bukod sa unlawful selling of firearms, nahaharap din ang dalawa sa illegal possession of firearms at paglabag sa gun ban.

Kinumpirma ni Pat Lucero Pacquiao, RPFM station manager, na isa si Moraleja sa kanilang talent broadcasters.

Bago maaresto si Moraleja, dalawang Linggo na itong hindi pumapasok. Posible matanggal si Moraleja sa kompanya sakaling mapatunayang totoo ang mga alegasyon laban sa kanya.