Advertisers
ARESTADO ang isang abogado at tatlong indibidwal ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) sa investment scam, na nambibiktima ng government employees at mga pulis.
Nangako ang mga suspek, na nadakip sa isang 5-star hotel sa Parañaque City, sa kanilang mga biktima ng monthly income hanggang P150,000.
Isang complainant ang nakatanggap ng P150,000 subali’t isang beses lamang.
“Nagbayad siya ng P150,000 cash bilang interes, unang interes sa buwan. But then the rest… lahat ‘yun tumalbog. And then ‘yung may check na P3 million tumalbog din,” pahayag ni Atty. Jeremy Lotoc, NBI Cybercrime Division chief.
Mayroon pa umanong ibang biktima, kabilang ang isang alkalde at mga miyembro ng Philippine National Police.
Tumanggi naman magbigay ng komento ang mga naaresto ukol dito. (J. Domenden)