Advertisers

Advertisers

Bonifacio day ipinagdiwang sa Caloocan

0 9

Advertisers

Pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin at Caloocan City Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang seremonya upang gunitain ang 160th Birth Anniversary at mga kontribusyon ng dakilang Andres Bonifacio noong Nobyembre 30 sa Bonifacio Monument.

Nagsimula si Mayor Along sa pagpapaalala sa lahat kung bakit kailangang ipagpatuloy ang pag-alala kay Bonifacio at itinampok ang hindi masusukat na impluwensya ng huli sa kalayaang nararanasan ng bansa ngayon.

“Sa muli nating pagdiriwang sa kaarawan ng isa sa ating mga magiting na bayani na si Gat. Andres Bonifacio, muli rin nating ginugunita ang kanyang buhay at ang pagtindig niya para sa mga Pilipino at sa ating bayan laban sa mga mananakop,” wika ni Mayor Along.



Ang lokal na punong ehekutibo, gayunpaman, mabilis na itinuro na ang pakikipaglaban ngayon para sa kalayaan ay hindi pa nagtatapos at hinikayat ang mga kapwa Pilipino na tularan ang mga halimbawang ipinakita ng “Great Plebeian” sa pagpuksa sa iba pang mga sakit sa lipunan.

“Wala mang mga dayuhang mananakop ang kumikitil sa ating kalayaan bilang Pilipino, patuloy namang sinisikil ng kahirapan at iba pang problema sa lipunan ang ating kalayaan. Parehong suliranin noon, magkaiba lamang ng itsura sa panahon ngayon,” pahayag ni Along.



“Ang tunay na pagpupugay sa buhay at kadakilaan ni Gat Andres ay ang pagsunod sa kanyang yapak sa araw-araw nating pamumuhay. Hindi man sa panahon natin tuluyang masolusyunan ang mga suliraning ating kinakaharap, umaasa ako na ang mga anak natin at ang mga susunod na henerasyon naman ang makikinabang sa ating mga sakripisyo ngayon,” wika ni Mayor Along.

Dumalo ang mga kinatawan mula sa iba’t-ibang pribadong institusyon gayundin ang iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan kabilang sina Caloocan City Representatives Cong. Oscar “Oca” Malapitan, Congw. Mitch Cajayon-Uy, at Cong. Dean Asistio.(BR)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">