Advertisers
NAGLABAS ng warrant of arrest ang isang korte sa Laguna laban sa negosyanteng si Charlie “Atong”
Ang dahil kaugnay ng pagkakasangkot nito sa pagkawala ng dose-dosenang mga sabungero.
Nahaharap si Ang sa mga kasong ‘kidnapping with homicide’ at ‘kidnapping’ sa tatlong Regional Trial Courts sa Lipa City sa Batangas, Sta. Cruz at San Pablo sa Laguna.
Inilabas ng Sta. Cruz, Laguna RTC Branch 26 ang warrant of arrest para sa kanyang kasong ‘kidnapping with homicide’ na walang piyansa.
Nagpadala na ng tracker teams ang PNP para ipatupad ang warrant of arrest laban kay Ang.
Sinabi ni PNP Chief, LtGen. Jose Melencio Nartatez, na ihahatid ang warrant of arrest sa mga tinukoy na lokasyon ni Ang.
Ang utos ng pag-aresto ay inisyu ni Presiding Judge Mary Jean Cajandab-Ong na may petsang Enero 13, 2026 para sa “sinumang opisyal ng batas”.
Sinabi ni Cajandab-Ong na ang mga kinauukulang opi-syal ng batas, “kinakailangang gumamit ng kahit isang body-worn camera at isang alternatibong recording device alinsunod sa Rules on the Use of Body-Worn Cameras in the Execution of Warrants inisyu ng Korte Suprema.”
Ang sunod-sunod na misteryosong pagkawala noong 2022 sa malaking industriya ng sabong sa bansa ay mu-ling sumikat sa kamalayan ng publiko nitong nakaraang taon nang lumitaw ang whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan, kilala rin bilang “Totoy”, na nagsabing alam niya kung saan nilubog ang mga bangkay sa Lawa ng Taal.
Kinasuhan ng DOJ si Ang sa maraming bilang ng kidnapping
Aniya, umabot na sa 100 katao ang pinaslang dahil sa umano’y pagkakasangkot sa match-fixing.
Tinawag ni Patidongan si Ang, ang kanyang dating amo, bilang “utak” sa likod ng mga pagkawala ng sabungero.(Jocelyn Domenden)