Advertisers
KINATIGAN ng International Criminal Court (ICC) Appeals Chamber ang naunang desisyon ng Pre-Trial Chamber I na mayroong hurisdiksyon ang international tribunal sa kasong ‘crimes against humanity’ ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Inilabas ang nasabing desisyon sa isinagawang pagdinig nitong Miyerkules, April 22, alas-5 ng gabi sa Pilipinas.
Sa desisyon, ni-reject nila ang apat na grounds na inapela ng defense team ni FPRRD.
Sa kasalukuyan, inaabangan pa ang magiging pasya ng Pre-Trial Chamber I kung kukumpirmahin ang charges laban sa dating Pangulo at kung magpapatuloy ang paglilitis laban dito.