Advertisers
UMISKOR si Jaren Jackson Jr. ng 20 points, habang si David Roddy nagdagdag ng 19 upang tulungan ang Memphis Grizzlies na tuldukan ang kanilang four-game losing streak sa iskor na 105-91 wagi laban sa bisitang Utah Jazz Miyerkules ng gabi.
Napagtagumpayan ng Grizzlies ang maagang eight-point deficit at lumamang 25 points tungo sa kanilang first home win matapos matalo ang kanilang unang walo sa Memphis.
Desmond Bane bumakas ng 17 points,nine assists,seven rebounds at three steals.Ziaire Williams nag-ambag ng 15 points at eight rebounds off the bench, at Derrick Rose may 14 points at nine assists para sa ika-apat na tagumpay ng Grizzlies.
John Collins umiskor ng 17 points upang pamunuan ang opensa ng Jazz, Ang Utah ay bomuslo lang ng 37.8 percent — kumpara sa Memphis 49.4 percent shooting — at tatlong players lang ang umiskor ng double figures.
Simone Fontecchio at Jordan Clarkson umiskor ng tig-12 puntos para sa Utah.
Ang Utah ay naglaro na wala ang kanilang leading scorer Lauri Markkanen (left harmstring soreness) ng tatlong magkakasunod na laro.