Advertisers

Advertisers

Pagdating ng mga sex offenders na isa ng ‘daily trend’, ikinababahala ni Tansingco

0 12

Advertisers

HINARANG ng Bureau of Immigration (BI) officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na makapasok ng bansa nitong Miyerkules ng hapon ang American pedophile na nahatulan sa pagmomolestya ng isang bata sa US, 13 taon na ang nakalipas.

Sinabi ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na ang 55-anyos na si Francisco Narvios Tecson ay naharang matapos dumating sa NAIA 1 terminal sakay ng Eva Air galing Taiwan.

Sinabi ni Tansingco na si Tecson, tulad ng ibang dayuhan ay dati ng nahatulan sa sex crimes at tinanggihan na makapasok sa bansa dahil sila ay registered sex offender (RSO).



“Thus, he is an excludable foreign passenger for being convicted of a crime involving moral turpitude as provided in our Philippine immigration act,” dagdag pa ng BI chief.

Ayon sa BI, si Tecson ay nahatulan sa Texas noong 2010 dahil sa indecent contact sa isang eight-year-old na batang babae.



Dahil sa impormasyon na natanggap Philippine Center on Transnational Crime (PCTC) na plano niyang mag-travel ng Pilipinas kung kaya nagpalabas si Tansingco ng direktiba at inalerto ang ang mga BI officers sa lahat ng ports of entry sa kanyang posibleng pagdating.

Nang dumating ang dayuhan, nakita ng immigration officers sa frontline ang kanyang records, kaya agad itong hinarang.



Nang gabi ring iyon, isa pang American RSO ang dumating mula sa Taiwan at kinilalang si Dale Lloyd Bayless, 65-years-anyos.

Lumilitaw sa public records na si Bayless ay nahatulan sa kasong sodomy na isang krimeng kanyang ginawa sa isang 9-anyos na babae noong 1989 sa Neosho, Missouri.

SinaTecson at Bayless ay dalawa lang sa 150 dayuhan na may RSOs na hinarang sa airports at di pinapasok ng bansa simula noong January.

Ang bulto ng mga RSO na hinarang ay sa NAIA habang may ilan naman sa airports ng Mactan, Cebu at Clark, Pampanga.

Sinabi ni Tansingco na ang pagdami ng bilang ng RSOs na nagtatangkang pumasok ng bansa ay nakababahala.

“During the pandemic, there was an increase of online exploitation of women and children. When international travel resumed, the number of RSOs rose, which could show that the exploitation is being continued,” pahayag pa nito. (JERRY S. TAN / JOJO SADIWA)