Advertisers

Advertisers

PAMPANGA PNP, KASOSYONG LAWAY NGA BA NG MGA GAMBLING LORDS NG PROBINSIYA?

0 34

Advertisers

Ipinagmamalaki ng mga iligal gambling operators ng Pampanga na umaabot ng 40% ng kita nila ang ibinibigay sa liderato ng Pampanga PNP bilang payola kaya lantaran ang lahat ng klase ng sugal sa naturang probinsiya gaya ng fruitgame, video karera, sakla, tupada, online sabong, peryahang bayan at mga pergalan na halos lahat ng bayan ay meron. Mga mala-casinong color game at dropball na hinaluhan pa ng sakla dyan sa Mabalacat, Dau, GuaGua, Bacolor, Sasmuan, San Fernando, Angeles, Arayat at Candaba.

Dito dapat sampolan ni chief PNP Gen.Benjamin Acorda ang PD ng Pampanga na si Colonel Levi Hope Basilio at PNP- PRO3 Regional Director,Gen. Jose Hidalgo Jr. kung talagang nagkaroon ng pagpapabaya at pagkunsinte sa mga sugalang ito bago pa man sana lisanin ng mama ang kanyang pwesto.

Tinawanan lang kasi ang 1-Strike Policy ng pambansang kapulisan sa AOR nina Gen. Hidalgo at Col.Basilio.



Mistulang basura lamang ang kautusang naturan ni PNP chief Gen.Acorda laban sa kanyang mga opisyales on the ground.

Sa nasabing pinaiiral na kautusan o polisiya,sibak agad sa puwesto ang sino mang chief of police(COP) ng isang bayan o siyudad sa isang provincial at regional police command kapag may nahuling illegal gambling operations sa kanilang AOR.



Pero sa dami nga nang nagkalat na mga pasugalang ito sa Pampanga na di natitinag, lumutang na totoo na kasosyo talaga sa illegal gambling operations ang provincial police command ni Col.Basilio.

At base na rin sa natanggap nating classified information, umaabot nga ng kwarenta porsiyento ng kabuuang kita ng mga gambling operators ng Pampanga ay nagpupunta sa tanggapan ni Col.Basilio bilang payola o “intelihensiya”.



Suma total,nagsisilbing KASOSYONG LAWAY ng mga gambling operators na ito ang mismong Pampanga PNP Command?

Sa mga kaganapang ito ay pakuya- kuyakoy lang at inutil si Regional Director Gen. Hidalgo ng PNP- PRO 3.

Sinong gagong tao ang maniniwalang di patong sa opisyo ng iligal na sugal ang dalawang matataas na opisyal ng kapulisan kung ganireng mismong mga residente ng lalawigan ng Pampanga ang kumokondena sa mga naglipanang mga pasugalan sa kanilang probinsiya?

Abot kaya ng makamandag na kapangyarihan ng mga gambling lords ng Pampanga pati ang tanggapan ni Governor Dennis Pineda na bulag,pipi at bingi sa isyu ng illegal gambling sa kanyang teritoryo?

Dalawang bagay lamang ‘yan kung bakit walang aksyon versus illegal gambling ( PD 1602) si Gov.Pineda

It’s either BOBO at TANGA si Gov.Pineda o direktang nakikinabang?

Which is which mahal na Gobernador Dennis ineda sir?

May kasunod…

ABANGAN!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com