Advertisers

Advertisers

5 lungsod sa Metro Manila makakaranas ng water interruptions mula Dec. 4-12

0 12

Advertisers

MAKAKARANAS ng sampung araw na water service interruption ang limang lungsod sa Metro Manila kabilang na ang ilang bahagi ng Maynila, Muntinlupa, Parañaque, Pasay, at Quezon City batay sa abiso ng water concessionaire na Maynilad Water Services, Inc.

Simula ngayong Lunes, Disyembre 4 hanggang Disyembre 12, ay magsasagawa ng iba’t ibang aktibidad sa limang lungsod ang naturang water company.

Ayon sa Maynilad, kasama sa mga water works na kanilang isasagwa ay ang pressure test, water audit, preventive maintenance ng sync panel at pagpapalit sa pumping station at reservoir; at pagpapalit ng motor.



Kaugnay nito ay nagbabala rin ang mga kinauukulan na maaapektuhan ng mga leak detection ang water pressure sa ilang lugar sa QC.

Samantala, narito naman ang schedule ng water service interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila:
Dec. 4 to 5
10:00 PM to 6:00 AM
Quezon City – Mariblo, Masambong, and Apolonio Samson
Dec. 5, from 7:00 PM to 10:00 PM
Quezon City – Batasan Hills, Commonwealth, Payatas, Nagkaisang Nayon, San Agustin
Dec. 5 to 6
10:00 PM to 6:00 AM
Quezon City – Nagkaisang Nayon, San Agustin
11:00 PM to 4:00 AM
Tondo, Manila – Brgys. 198 to 220 and 202-A
Dec. 6 to 7
10:00 PM to 6:00 AM
Quezon City – Manresa, Paang Bundok, St. Peter
11:00 PM to 3:00 AM
Ermita, Manila – Brgy. 663-A
Quiapo, Manila – Brgys. 385 to 389
Dec. 8 to 9
10:00 PM to 6:00 AM
Quezon City – San Antonio
Dec. 9 to 10, from 10:00 PM to 6:00 AM
Quezon City – Gulod, Nova Proper
Dec. 12, from 12:00 AM to 6:00 AM
Muntinlupa – Sucat
Parañaque – BF Homes, Don Bosco, Marcelo Green, Merville, Moonwalk, San Antonio, San Isidro, San Martin De Porres and Sun Valley
Pasay – Brgy. 181 to 185 and 201

Dahil dito ay pinapayuhan ang mga residente na mag-imbak ng sapat na tubig bago ang water service interruption. Ngunit kasabay nito ay tiniyak naman ng Maynilad na magdedeploy sila ng mga water tankers sa mga apektadong lugar para mag-supply ng tubig.