Advertisers

Advertisers

PBBM tinukoy mga banyagang terorista nasa likod ng Marawi bombing

0 6

Advertisers

INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na mga banyagang terorista ang nasa likod o responsable sa pamomomba Linggo ng umaga sa Marawi City na ikinasawi ng apat na indibidwal habang 50 ang sugatan.

Mariing kinondena ng Chief Executive ang insidente at sinabing gagawin ng gobyerno ang lahat para mapanagot ang mga ito sa kanilang hindi makataong ginawa.

“I condemn in the strongest possible terms the senseless and most heinous acst perpetrated aby foreign terrorists upon Mindanao State University (MSU) and Marawi communities early this Sunday morning. Extremists who wield violence against innocent will always be regarded as enemies of our society,” pahayag ng Pangulo.



Binigyang-diin ng Pangulo na kontrolado ng pamahalaan ang sitwasyon ngayon sa Marawi kung saan nasa full alert status ang militar at pulisya.

Pinatitiyak naman ng chief executive sa mga otoridad na mahuli ng sa gayon mapanagot ang mga nasa likod ng insidente. (Vanz Fernandez)