Advertisers

Advertisers

BARKO NG PINAS MULING BINOMBA NG TUBIG NG NG CHINA COAST GUARD

0 5

Advertisers

NAGPAHAYAG  ng pagkabahala ang Estados Unidos at Japan nitong Sabado, Disyembre 9, laban sa muling pambobomba ng tubig gamit ang water cannon ng China sa barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng routine resupply missions sa Scarborough Shoal.

“We condemn PRC’s (People’s Republic of China) aggressive, illegal actions against Philippine BFAR vessels lawfully operating in the Philippine EEZ (exclusive economic zone),” saad sa pahayag ni US Ambassador MaryKay Carlson.



“This PRC behavior violates international law and endangers lives and livelihoods. We stand with our Philippine #FriendsPartnersAllies in support of a #FreeAndOpenIndoPacific,” dagdag pa ni Carlson.

Ang US, na kaalyado ng Pilipinas, ay ilang beses nang inulit ang pangako nitong maninindigan sa Pilipinas laban sa panggigipit ng China sa West Philippine Sea.



Sinabi rin ni Japanese Ambassador Koshikawa Kazuhiko na lubos siyang nababahala sa peligrosong aksyon ng Chinese Coast Guard laban sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na nasa misyon para mamahagi ng langis at iba pang suplay sa mga mangingisda sa Scarborough Shoal.

Ani Kazuhiko, ang aksyon ng China ay “endangers lives and livelihoods and poses a threat to peace and stability in the South China Sea.”



“We reiterate the importance of upholding international law, particularly UNCLOS and the 2016 Arbitral Award,” sinabi pa ng Japanese envoy.

Sinasabi ng China na pagmamay-ari nila ang halos lahat ng lugar sa South China Sea, kasama na ang Scarborough Shoal.

(Jocelyn Domenden)