Advertisers

Advertisers

Korte sinunog ng empleyado; Hukom, abogado 9 pa sugatan

0 23

Advertisers

Sinunog ang gusali ng Municipal Trial Court ng isa nitong empleyado sa Minglanilla, Cebu nitong Martes, Disyembre 12.

Kinumpirma ni Minglanilla Mayor Rajiv Enad na isang arson case ang sunog na sumiklab sa gusali ng korte.

Sinabi ni Enad na hindi aksidente ang sunog at isang 60-anyos na lalaking empleyado ang nagsimula umano nito.



Iniimbestigahan pa ng awtoridad ang motibo ng suspek.

“Initial investigation report stated that the fire was caused by a court staff, who later on supposedly committed suicide,” saad ng isang insider.



Base sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ng alkalde na gumamit ang empleyado ng lighter para magsunog ng mga papel sa ilalim ng kanyang mesa sa harap ng iba pang tauhan ng korte.

Nang makita ang nasusunog na mga dokumento, iniatas ni MTC Judge Wilson Ibones sa kanyang mga tauhan na pigilan ang empleyado, pero lumaban pa ito at hinampas ng fluorescent tube si Ibones at ang iba pa niyang kasamahan.



Na-padlock din umano ng empleyado ang pinto kaya na-trap ang kanyang mga kasamahan.

Nabatid na kabilang sa mga nasaktan sa sunog ang presiding judge ng Minglanilla Municipal Trial Court, isang abogado at 10 pang opisyal ng korte, na pawang isinugod sa pagamutan, kabilang ang suspek, na hindi na umabot ng buhay.

Inaalam pa ang tinatayang halaga ng pinsala, nguni’t naapektuhan ng sunog ang maraming tanggapan ng gobyerno na makikita sa gusali ng korte. (Boy Celario)