Advertisers

Advertisers

Coco nagpasalamat at nagbigay pugay kay FPJ

0 68

Advertisers

Ni BETH GELENA

NAGBIGAY pugay si Coco Martin sa anibersaryo  ng kamatayan ni  Da King, Fernando Poe Jr.

Sa Instagram ng FPJ’s Batang Quiapo star na si Coco, he paid tribute to “Da King” Fernando Poe Jr. (FPJ) on his death anniversary last Thursday, December 14.



Kada death anniversary ni Da King ay laging nagbibigay ng tribute ang actor as he considered him as his idol and inspiration as an actor.

“Sa aking idolo at inspirasyon, ang nag-iisang Da King, mananatiling buhay ang lahat ng iyong obra sa puso’t isipan ng bawat Pilipino,” ani Coco.



“Maraming Maraming Salamat sa iyong pamana, alaala, at gabay,” dagdag pa niya.

Netizens also honored FPJ’s death anniversary. They also paid tribute to the late actor’s wife, Susan Roces, who passed away last year.



“Happy birthday in heaven idol FPJ d kita malilimutan dahil ikaw ang alamat ng pelikulang Pilipino,” komento ng isang  netizen.

“The spirit of FPJ stay alive in the hearts of many more in the hearts of Poe family who devotedly continue all Support and Help advocacies planted by FPJ for fellow Filipinos particularly those in big need for hungry stomach and in need whom they got no one to turn to,” pagbabahagi naman ng isang fan.

“Direk.. parang kailan lang kasama natin araw-araw si Lola Flora sa AP,” ayon naman sa isang commenter.

Maging si Senator Grace Poe ay nagbigay ng mensahe sa ama.

“Lagi kang nasa aming puso at alaala, Papa,” sey ng Senador.

19th death anniversary ngayon ng the late National Artist for Film, FPJ.

***

DJ NAKUHANAN NG VIDEO NA NAGMAMADALING UMALIS AFTER MAGBIGAY NG ACCEPTANCE SPEECH SA AAA 2023

VIRAL ang kuhang video ni Daniel Padilla na tila nagmamadaling lumisan ng stage matapos ang maikling pasasalamat nang tanggapin ang award sa  Asian Artist Awards night.

Pagkatapos tanggapin ang trophy ay agad na lumapit si DJ sa mic  at  nagbigay ng  short speech at pinasalamatan ang mga fans.

One can hear in the video some members of the audience making snide remarks during and after the actor made his speech.