Advertisers

Advertisers

Kim umiiyak at naglalasing dahil brokenhearted

0 10

Advertisers

Ni ARCHIE LIAO

NAGPAKITANG gilas si Maricel Soriano nang pumapel siya bilang yaya ni Kim Chiu sa latest vlog ng Diamond Star.

Sinamahan ni Maricel si Kim sa taping ng aktres ng “It’s Showtime.”
Inilaglag pa ni Vice Ganda si Marya na dati raw itong nagtratrabaho sa kanya at laging nakakabasag sa bahay na idinenay naman ng aktres.
Sa tsikahan nila, nagpaka-marisol din si Maricel kay Kim nang uriratin nito ang TV host-actress tungkol sa kanyang lovelife.



Sey ng Diamond Star: “Ang dami-dami nagbubulungan. Kumusta raw love life mo?”
Medyo nagulat naman si Kim at napatanong kay Maricel kung sino ang mga nagtatanong ukol dito.
Tugon naman ni Kim: “Ang love life ko ay naka-hang ngayon.”
“Parang telepono ‘day? Naka-hang?” pangungulit naman ni Maricel.
Dahil sa sagot na ito, nakumpirma nga ng mga kate-katera na tagilid ang relasyon nito sa boyfriend na si Xian.

Hirit pa ng kibitzers, hindi pa raw naman tuluyang hiwalay ang dalawa lalo pa’t hindi pa naman binubura ni Kim ang mga videos nila ng boyfriend sa kanyang YouTube channel.



Samantala, sa tsika naman ni Jegs sa Ogie Diaz Showbiz Update, sighted daw si Kim na umiiyak at naglalasing lately sa isang private event na umano’y may pinagdadaanan dahil nursing a broken heart.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">