Advertisers
MAY mga humihirit sa linya ng Sports fanatics na sana ay bumalik ang kanilang matitinik na idolo sa binuong BEERMEN DEATH FIVE. Ang Death Five ng SAN MIGUEL BEER ang pamatay na line up o killer ng kalabang koponan sa do or die game composed of first five starcagers na sina JUNMAR ‘The KRAKEN” FAJARDO, ARWIND ‘The Spiderman” SANTOS, ALEX ‘The Crunchman”CABAGNOT, CHRIS “The Man of Steal” ROSS at MARCIO -SuperMarcio” LASSITER.
Itinatak ng DEATH FIVE ang five (5) straight championships sa ALL FILIPINO CUP ng top pro league PHILIPPINE BASKETBALL ASSOCIATION (PBA. Sila ang mga ibinabad na players para itaob ang opponent team but then bigla na lang nawala ang dalawang icons ng KILLER FIVE na sina ALEX CABAGNOT( traded to TERRA FIRMA, now in Korean Basketball League for Goyang Sono Skygunners)at ARWIND SANTOS, naitrade sa NORTH PORT.
Kung ire-recall namin ang sinabi ng isang SMB guard, ‘naiiyak si ARWIND habang kinukuha ang last pay’, obvious na dismayado at heartbroken ang Pampanga pride na pumaimbulog sa Sports industry bilang ‘SPIDERMAN’, parang gagamba kung mangunyapit sa ring.
Ilan sa comments sa social media ang tawag-pansin. ‘No one can compare to those. Boss AL just called.., Galing ng mga yan ’-VB, ‘Sana po makabalik na sa SMB si ARWIND at si CABAGNOT’-TN,’ Itong Death Five maraming pinahirapan na team’- RM, “Sana mabalik sa smb yun dalawa, arwind Santos at Alex Cabagnot,-LA, ‘Ya.hinahanap ko sa smb, cabagnot, ross, lasiter, arfwin at fajardo, di naman sa hindi magaling yun iba, pero 2nd option na yon, bigyan talaga ng mataas na oras ung killer 5.”-PT. Well, space is limited for similar comments pero napaisip din po kami sa pagkakaalis ni Sir AL kina ARWIND at CABAGNOT.
Sayang nga ba ang all out effort na ibinigay ng dalawang caging icons sa kanilang mother team MB? Wala namang magagawa sa desisyon led by Sports Director AL FRANCIS CHUA, that’s final.
Wala po tayo sa position to support some fans’ notion, na ‘sayang ang effort nina ARWIND at CABAGNOT sa SMB. Sa haba ng panahon na ma-mould sila as tough cagers of SMB, made na po sila talaga. Yung isang linya : Hindi ka nag-iisa, naalala namin ulit si ALVIN TENG, sobrang depressed nung maalis sa SMB na inasam talaga niyang tanging team na paglalaruan throughout his caging career.
Equally popular na ang sons niyang sina JERON & JERIC TENG na ambag ni ALVIN sa Sports industry.
God is good, sabi nga, there is something better in store for sure. Let’s keep an eye for some vital development.
DECEMBER CHEERS
HAPPY BIRTHDAY to Asia/Taiwan Superstar F4 Band Leader JERRY YAN aka YANCHENGXU or DAO MING SI (January 1) of the smash hit teleserye ‘Meteor Garden”, to Sir RICARDO ORTILE, JR. of Lazaro Francisco Integrated School, NIKKO ESPENIDA and ASHLEY CAJUCOM of Cabanatuan City, N.E., to Mam CHRIZELLE JANE SANTOS-CENABRE of Taytay, Rizal and JASON SANTOS TALA of San Isidro, Pampanga. Best blessings and more birthdays to come. HAPPY READING!