Advertisers
TINAPOS ng Pilipinas ang 2023 sa top 15 countries sa Women’s Softball World Rankings, ayon sa World Baseball Softball Confederation (WBSC).
Ayon sa WBSC rankings Disyembre 31, 2023, ang Pilipinas ay ranked 14th sa world sa women’s softball.
Ang bansa ay may 868 points, nakapila sa likuran ng Great Britain, na may 936 points.
Ayon sa WBSC,ang Pilipinas ang top overall climber sa taong ito.
“The Philippines have been the most improved nation, climbing 17 positions from No. 31 at the behinning of the year to No. 14 at the end,” Wika ng confederation sa kanilang statement nakapaskil sa website.
Sa year-end, ang United States ang nangibabaw matapos makaipon ng 4,301 points.
Ito ang ikatlong magkakasunod na taon na ang US nagtapos na No.1 sa rankings.
Pangalawa ang Japan na may (2,573 points), habang ang Puerto Rico may 2,875 points para sa third place.
Chinese Taipei (2,573 points), Canada (1,885 points), Italy (1,816 points), Mexico (1,717 points), ang Netherlands (1,602 points), Czech Republic (1,483 points) at Australia (1,379 points) ang nagkumpleto sa world’s top 10 women’s softball nations.
Samantala, ang Philippine men’s baseball team nalagay sa 28th sa world ayon sa year-end rankings ng WBSC.
Habang ang women’s baseball team ng bansa, nagtapos sa 13th para sa 2023.
Ang men’s softball team nagtapos rin sa 14th nakaraang taon.
Ayon sa Amateur Softball Association of the Philippines, apat na Philippine teams qualified sa world cup-ang Blu Girls, ang Blu Boys,ang Under -15 women’s team at ang Philippine Co-Ed Slow Pitch Team.