Advertisers

Advertisers

Sa isyu ng SMNI…PBBM HANDA MAKIPAG-USAP KAY DUTERTE!

0 8

Advertisers

INIHAYAG ng Malacañang na handa makipag-usap si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. kay ex-Pres. Rodrigo Duterte.

Ginawa ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil ang pahayag matapos makaladkad ang pangalan ni Duterte sa isyu laban sa Sonshine Media Network International (SMNI).

Sinabi ni Garafil na laging handa si Pangulong Marcos na makipag-usap kay Duterte.



Sa katunayan, mismong si PBBM ang kokontak sa dating presidente para alamin kung gusto nga nitong makipagpulong sa kanya, sabi ni Garafil.

Una nang sinabi ni Duterte na nais niyang makipag-usap ng personal kay Marcos hinggil sa isinasagawang imbestigasyon laban sa SMNI.



Matatandaang pinatawan ng 30 araw na suspensiyon ng National Telecommunications Commission (NTC) ang SMNI dahil sa umano’y paglabag sa ilang probisyon ng kanilang prangkisa. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">