Advertisers
NASAWI ang isang ina, habang kritikal ang anak nang pagbabarilin sa Poblacion, Pikit, Cotabato nitong Martes.
Kinilala ang nasawi na si Betty Cadulong, nasa tamang edad, may-ari ng tindahan ng Patelan, at residente ng Pikit.
Mabilis na dinala sa ospital ang biktima, pero dead on arrival na ito..
Ang biktima ay kapatid ng isang kilalang doktor sa Pikit na si Dr. Si Cadulong at sila rin ang may-ari ng Cadulong hospital, habang ang anak na nasangkot sa pamamaril ay kasalukuyang nasa ospital at nasa kritikal na kondisyon.
Patuloy pa ang ginawang imbestigasyon ng pulisya sa pamamaril.