Advertisers

Advertisers

P20m per district para sa Cha-Cha…‘SECRET FUND’ BINUKING NI LAGMAN

0 17

Advertisers

AABOT sa P20 milyon ang inialok sa bawat distrito ng Kongreso na makapaghahatid sa susunod na linggo ng kinakailangang bilang ng mga lagda bilang suporta sa isinusulong na Charter Change (Cha-Cha) sa House of Representatives.

Ito ang ibinunyag ni Senador Imee Marcos kasabay ng pagkondena sa umano’y alok, at sinabing ang pera ay kukunin umano sa mga programa ng tulong ng gobyerno sa ilalim ng Departments of Social Welfare and Development (DSWD), Health (DOH) at Labor and Employment (DOLE).

“I even heard that big cities were also promised to receive P20,000 if they can produce 20,000 signatures by Jan. 13. Many newly elected barangay captains were ordered to produce 20,000 signatures by the weekend so they could receive goodies from these agencies,” wika ni Marcos.



“I condemn the offer because our Constitution is not for sale. Apparently they offer the DSWD’s assistance to individuals in crisis situation (AICS), DOLE’s TUPAD or tulong panghanapbuhay sa ating disadvantaged/displaced workers and the DOH’s medical assistance to indigent patients program (MAIPP),” hirit pa ng senadora.

Nabatid na ang mga Congressional districts na makakapagbigay ng magandang signature turnout ay makatatanggap umano ng P5 milyon mula sa AICS o Ayuda sa Kapos sa Kita Program ng DWSD, P10 milyon mula sa MAIP program ng DOH at P5 milyon mula sa TUPAD ng DOLE.



Batay sa alegasyon ni Albay Rep. Edcel Lagman, binigyan umano ng pondo ang mga alkalde para hikayatin ang kanilang mga nasasakupan na pumirma sa mga dokumento na kaugnay sa petisyon sa people’s initiative.

Pinatunayan ni Marcos ang mga pahayag ni Lagman kung saan nakatanggap siya ng katulad na impormasyon kung saan ang mga local chief executive ay inalok umano ng P5 milyon hanggang P20 milyong halaga ng mga proyekto mula sa DSWD, DOH at DOLE.



Ipinakita rin ni Marcos ang kopya ng dokumento para sa signature campaign na ipinakalat sa mga local government units. (Mylene Alfonso)