Advertisers

Advertisers

Sarah in-unfollow na ang pamilya Gutierrez; dedma rin sa video nina Richard at Barbie 

0 23

Advertisers

Ni JOVI LLOZA

SA kabila na naka-follow pa rin si Richard Gutierrez sa estranged wife na si Sarah Labhati, in-unfollow naman ng huli ang pamilya ng una gaya nina Ruffa, Raymond at kahit ang biyenan na si Annabelle Rama.

Ang pagkuha ng video nang maispatan sa isang bar sina Richard at Barbie Imperial na magkatabi sa upuan ay trending ngayon.



Kumalat sa socmed na magkatabi sa upuan sina Richard at Barbie sa isang bar sa Alabang.

Wala pa rin reaction si Sarah sa nagkalat na video na nakunan nina Richard at Barbie.



Matatandaan na nagkasama sa action serye na Ang Probinsiyano ang dalawa.

Super bantay sarado nga raw si Barbie at nagpaka-gentleman naman si Richard na inalalayan pa nito papunta ng CR ang dalaga.



***

Robi nagluluksa, napalitan ng lungkot ang saya

MATAPOS ang kasal  ng TV host na si Robi Domingo sa longtime gf na si Maiqui Pineda nito lang January6, namatay ang kanyang lola na ang tawag nito ay Ina.

Sadya nga raw inilihim ng pamilya na di ipaalam kay Robi ang pagkamatay ng kanyang lola sa mismong kasal nito para di mabahiran ng kalungkutan.

After ng kasal ay doon pa lang sinabi ng mudra ni Robi. Kaya magkahalong saya at lungkot ang nadama ni Robi, saya mula sa kanyang kasal  at kalungkutan sa pagkamatay ng kanyang lola.

Ikinuwento pa ni Robi na ang kanyang lola ang nag-alaga sa kanya nung bata pa lang.

Well, well, well…’Yun na!