Advertisers
MARIING nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na maaring mas mainit ang “warm o dry season” ngayong taon sa bansa dahil sa El Niño.
“May possibility din na yung tinatawag nating warm or dry season months – March, April, May – it could be one of the warmest years on record natin,” ayon kay PAGASA Assistant Weather Services Chief and Climate Monitoring and Prediction Section Chief Ana Liza Solis.
Ani Solis, tuwing may El Niño ay naitatala ang pinakamainit na temperatura.
Dagdag pa ni Solis maaring 13 hanggang 19 bagyo lamang ang pumasok sa bansa ngayong taon at maaring hanggang lima lamang sa unang bahagi ng 2024.
“May possible po na around 13 to 19 yung ating mga bagyo, may possible po na below average yung ating magiging bagyo sa ngayon,” dagdag pa nito.
At ang panahon ng tag-ulan ay maaring magsimula sa ikatlong linggo ng Mayo hanggang unang dalawang linggo ng Hunyo.