Advertisers

Advertisers

Sen. Marcos pinagpapaliwanag ang DND, AFP sa 30 milyong galon ng langis

0 253

Advertisers

PINAGPAPALIWANAG ni Senador Imee Marcos ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sa paglipat ng 39 milyong galon ng langis ng US Navy mula sa Pearl Harbor patungong Subic.

Ang mga datos mula sa ilang international shipping tracker ay nagpapakita na ang kargamento ng langis ay nilagak sa US-registered tanker na Yosemite Trader sa Pearl Harbor noong Disyembre 20 at pumasok sa teritoryo ng Pilipinas noong Martes.

Sa kasalukuyan, nananatili ang Yosemite Trader sa kanyang posisyon mga 50 kilometro kanluran ng Subic Bay, ayon sa shipping tracker na Marine Vessel Traffic.



Dismayado si Marcos, tserman ng Senate Committee on Foreign Relations, sa “hindi maipaliwanag na pananahimik” ng parehong pamahalaan ng Pilipinas at US bago ang paglalayag ng barko na nagdudulot lang ng pangamba sa pre-positioning ng military supplies sa bansa sa gitna ng mga prediksyon ng isang posibleng digmaan sa pagitan ng China at U.S. hinggil sa Taiwan.

“Naulit na naman! Ito ay strike three na ng pagtatangkang ipagkait sa sambayanang Pilipino ang karapatan na malaman ang ganitong mga bagay,” sabi ng senador.



Sa mga pagdinig ng Senate Committee on Foreign Relations noong nakaraang taon, ibinunyag ni Marcos ang lihim na kahilingan ng US na magpatuloy ng Afghan refugees sa Pilipinas at ang pagkukulang sa abiso hinggil sa mga pagdating ng mga C-17 Globemasters sa mga domestic at international airports ng bansa. (Mylene Alfonso)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">