Advertisers
Usap-usapan halos sa mga sulok-sulok sa lunsod ng MANILA na may grupo ng mga MANDURUKOT ang UNTOUCHABLES dahil may PULIS daw na nagsisilbing PROTECTOR at nagmamando kung kailan maaaring gumala ang mga ito.
Marami sa ARYA BEES ang nagbubulong sa mga impormasyon hinggil sa grupo ng mga MANDURUKOT na ang nagsisilbing protektor. ay isang PULIS na dati rin umanong batikang mandurukot na ngayon ay isang ganap nang UNLAWFUL ENFORCER.., este LAW ENFORCER hehehe!
Kung may mga maaaresto sa mga “bataan” ng naturang UNLAWFUL ENFORCER ay ito ang gumagawa ng paraan upang hindi magtagal sa pagkakakulong.
Kuwento pa ng ARYA BEES na itong UNLAWFUL ENFORCER e siya umano ang “mata” o espiya sa headquarter.., na kung mangilan-ngilan lamang ang nakadeploy o nagpapatrolya halimbawa sa DIVISORIA ay sesenyasan ang kaniyang mga alaga na maluwag na silang makagagala at mandurukot.., dahil kaunting pulis lang ang nagpapatrolya.
Teka.., hindi kaya alaga nitong UNLAWFUL ENFORCER ang dumale sa isang empleyado ng MANILA PUBLIC INFORMATION OFFICE (MPIO) na habang abala sa coverage o paglilitrato sa kasagsagan ng PISTA NG ITIM NA NAZARENO nitong Martes, January 9, 2024?
Ang siste.., itong empleyado ng MPIO habang abala sa paglilitrato sa andas ng Itim na Nazareno ay napansin na lamang niyang bukas na ang zipper ng kaniyang belt bag na nakabalagbag sa kaniyang dibdib.., presto ang kaniyang Samsung S23 Ultra celfone na nagkakahalaga ng P90,000.00 ay wala na o nadale na ng mandurukot.
Matindi to mga ka-ARYA.., bulag kaya ang mga kasamahan niyang PULIS sa MANILA…, o namamantikaan na sila sa operandi nitong si UNLAWFUL ENFORCER? O baka pati si MANILA POLICE DITRICT DIRECTOR e “binulag” na rin sa operandi ng kaniyang tauhan?
Mas mainam pa siguro e pakilusin na ni NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE DIRECTOR GENERAL JOSE MELENCIO CORPUZ NARTATEZ JR ang kaniyang INTEL FORCE para diskubrehin at arestuhin ang UNLAWFUL ENFORCER.., sa gayun e mabawasan ang mga naglipanang MANDURUKOT sa MANILA!
***
“BATA-BATA SYSTEM” SA POLICE DISTRICT NG NCR?
Umaalingasaw na ang bumabahong imahe ng isa sa POLICE DISTRICT sa NATIONAL CAPITAL REGION dahil sinisindikato na raw ng mga UNTOUCHABLE ang POLICE HEADQUARTER?
Ang siste o ikinaiinis ng ilang mga DESERVING POLICE ay tila binalewala na ang panuntunan na ang dapat ma-assign sa HEADQUARTER ay yaong mga nakapasa o nakapagtapos sa investigation course o CRIMINAL INVESTIGATION COURSE…, pero, dahil PALAKASAN SYSTEM o yaong mga nakapag-aambag ng INTELEHENSIYA o KABUHAYAN ay sila ang naitatalaga sa HEADQUARTER.
Ang mga QUALIFIED o DESERVING POLICE na hindi raw napapakinabangan sa ‘INTELEHENSIYA’ ay ipinatatapon sa ibang lugar at ang mga nasa HEADQUARTER ay nagtataka naman dahil may mga nakalista sa iba’t ibang unit o section na hindi naman nila nakikitang pumapasok araw-araw.
Tamang-tama ito sa inilulunsad ngayon ni PRESIDENT FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR na paglilinis sa hanay ng LAW ENFORCERS.., na kailangang mawala sa serbisyo ang mga tiwali upang maibalik ang imahe ng mga pulis at maging huwaran sa pagiging LAW ABIDING CITIZENS.., kailangang paganahin na ang INTEL FUND para mahalukay ang mga tiwali at hindi makuntento sa kung ano ang sinusuweldo sa pagiging mga pulis sa ating bansa!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext lamang sa 09194496032 para sa inyo pong mga panig.