Advertisers

Advertisers

Cong. Ralph nanumpa na bilang Sec. of Finance sa administrasyong Marcos

0 7

Advertisers

Ni JIMI ESCALA

NANUMPA kahapon, Biyernes  bilang Secretary of Finance ang asawa ng Star for All Seasons na si Cong. Ralph Recto.

Kinuha at mismong si Presidente Ferdinand Marcos ang nakiusap Kay Cong. Ralph na hawakan ng dating senador ang pagiging secretary of Finance.



Iiwanan ni Cong. Ralph ang pagiging Deputy Speaker ng kongreso at magiging isa sa gabinete ng administrasyong Marcos.

Malaking maitulong ni Cong. Ralph bilang bagong Secretary of Finance, huh!



Pero sa totoo lang ayon sa source namin, hindi lang naman si Cong. Ralph ang kinakausap ng administration ni PBBM kundi pati ang Star for all Seasons ay matagal na ring sinusuyo para mapabilang sa mga gabinete ni PBBM.

Isang importanteng posisyon na may kinalaman sa industriya ng pelikula at television ang hahawakan daw ng tinanghal na best actress sa katatapos na Metro Manila Film Festival, huh!



Pero pinag iisipan pa rin Ito ng Star for all Seasons and knowing Ate Vi, ayaw niyang basta na lsng hahawak ng isang posisyong hindi niya muna pag aaralan, huh!

***

SPEAKING of Ate Vi, nasa cloud nine pa rin Ang Star for all Seasons, hindi dahil sa tinanggap na best actress kungdi tuwang-tuwa ang grand slam actress dahil sa super tinangkilik ng  moviegoers ang MMFF.

Hindi lang naman pelikula nila ni Boyet De Leon ang ipinagdasal ni Ate Vi kungdi ang maibalik ang moviegoers na manood ng pelikulang pilipino.

Super successful ang Metro Manila Film Festival.

Samantala, mukhang tutuloy daw si Ate Vi na dadalo sa MIFF kung saan kasama pa rin ang sampu ng pelikula ng MMFF, huh!