Advertisers
HINIHIKAYAT ni Bishop Broderick Pabillo ang mga Katolikong Filipino na huwag pumirma sa People’s Initiative petition na gawa ng politiko, na nanunuhol para makalikom ng kailangang mga pirma para mabago ang kasalukuyang Saligang Batas.
Ang naturang initiative kasi ay gawa ng iilang politiko, hindi ng mamamayan, sabi ng opisyal ng Simbahan.
Ang initiative na may kaakibat na panunuhol, sabi ni Bishop Pabillo, ay mayroong masamang motibo tulad ng pananatili nilang mga politiko sa puwesto ng matagal na panahon tulad ng diktador na si yumaong Ferdinand Marcos Sr., ang ama ng kasalukuyan nating pangulo, “Bongbong” Marcos; at pagbalewala sa kapangyarihan ng Senado.
“Sabihin sa mga tao na huwag pumirma!,” anang opisyal ng Simbahan. “Hindi ito inisyatiba na galing sa mga tao kundi ng ilang mga politiko.”
Dagdag pa niya: “Babalewalain nito ang senado.”
Isa kasi sa mga gusto mangyari sa pagbago sa Saligang Batas ay pag-isahin nalang ang boto ng mga senador at kongresista.
Ang Senado ay 24 lamang ang bilang habang ang kongresista ay 315. Ibig sabihin nito, kahit komontra pa ang 24 senador sa panukalang isinusulong ng majority ng mga kongresista ay balewala ang kanilang numero.
Malakas din ang kutob ni Bishop Pabillo na malamang magpatawag ng Barangay Assemply para maitulak ang charter change, tulad ng ginawa noon ng administrasyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Unfortunately hindi nagtagumpay si GMA na tumagal ng siyam na taon sa Malakanyang, 2nd longest-served President kasunod ni Marcos Sr. (21 years).
Obviously, may masamang motibo ang nasa likod ng Charter change: Isa rito ay ang palawigin ang termino nilang mga nakaupo at balewalain ang power ng Senado.
***
Look who is talking?
Todo kontra rin ang mga kaalyado ni ex-President Rody Duterte, pati ang kanyang anak na kongresista na si Polong, sa pag-amyenda sa 1987 Constitution.
Giit ng dating presidential spokesman Atty. Harry Roque, kapag nagtagumpay ang People’s Initiative, hindi lang pag-amyenda ang mangyayari sa kasalukuyang Konstitusyon kundi ito’y totally mawawalis. Malamang magpalit ng gobyerno, maging parliamentary system tulad nung panahon ng ama ni PBBM.
Naniniwala ako sa statement na ito ni Roque. Kasi binalak rin nila noon ni Duterte retokehin ang Saligang Batas, pero nabigo rin tulad ni GMA.
***
Tama si dating Congressman Erin Tanada: Hindi problematic ang 1987 Constitution, ang mga politiko ang problema.
“There is nothing wrong with the 1987 Constitution. It hasn’t failed the Filipinos. Its is the majority of the elected officials in the Congress from 1987 to the present who failed the Filipinos by putting their interests ahead of those from the marginalized sectors.”
Koreka ka, Erin!