Advertisers

Advertisers

Wanda na Gloria pa!

0 6

Advertisers

Tulad ni LeBron James ay lab na lab ni Kevin Durant ang kaniyang mama Parehong single mom sina Wanda Durant at Gloria James pero napalaki nilang mabuti ang mga anak.

Kaya sa career nina KD at nik LBJ ay madalas nababanggit nila ang mga nanay at naghahayag ng labis na pasasalamat sa mga nagluwal sa dalawang NBA superstar.

Si Wanda ay may sariling charity foundation na umaalalay sa mga mahihirap na bata at mga dalagang ina. Malimit rin siyang maimbitahan bilang motivational speaker.



Sana all!

***



Kailangan ni Mickey Will8ams na bagong manedyer at tagapayo.

Sobra na ang yabang at kahirap kausap ng kampo niya.



Sumuko na sa kanya ang TNT. Ilang beses na kasi naransan ng management at coaching staff ng Tropang Giga ang dami ng unrealistic demand ni Williams.

Pati sa Gilas Pilipinas malaki hinihinging bayad ng grupo ni Mickey.

Tapos sa Strong Group ni Coach Charles Tiu ay wala ring nangyari sa pag-uusap dahil sa kaartehan ng Fil-Am.

Ano sa palagay nila si Michael Jordan o si LeBron James sila?Huwag ganern!

***

Deserving naman si Erik Spoelstra sa bago niyang kontrata sa Miami na pinakamalaking deal para sa isang NBA coach.

$120M sa walong taon extension ang ipinagkaloob ng Heat sa Fil-Am mentor.

Nadaig pa niya si Greg Popovich ng San Antonio Spurs na pinakamatagal sa parehong posisyon

Nagsimulang video editor si Coach Spo sa naging team ni Dwayne Wade.

Nadala niya sa anim na Finals ang prangkisa sa South Florida at nakasungkit siya ng dalawang korona.

May 725 W sa regular season at 109 na panalo naman sa playoffs. Pinakamarami yan sa lahat ng naging bench tactician nila. Nalampasan na niya si Pat Riley na ngayo’y Presidente ng Miami Heat.

Mabuhay ka kabayan!

***

Purely for entertaiment purpose lang muling pagtutuos nina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr, sa Japan ngayong taon.. Kahit sino magwagi basta’r naaliw nila tayo.

Enjoyin na lang natin!