Advertisers
Dalawang kupal na indibidwal sa katauhan nina alias Billy at Nestor ang patuloy na sumisira sa pangalan ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong.
Kapwa nagpapakilalang designated bagmen ni Magalong itong si Billy at Nestor na kumukolekta ng lingguhang payola mula sa mga gambling operators ng siyudad.
Ironic na itong si Magalong na dati pa namang general ng pambansang kapulisan ay magtalaga ng dalawang gagong kolektor ng intelihensiya mula sa iligal na pasugalan.
Anong alas mayroon ang dalawang kupal na ito para
” mapalundag” itong si Magalong na kilalang straight na opisyal.
Parang ang hirap paniwalaang ang dating nirerespetong general ay pumapatol na ngayon sa barya- baryang payola mula sa illegal gambling operations sa kanyang siyudad.
Pati raw national media na naka- based sa Manila ay ipinangongolekta nina Billy at Nestor mula sa mga gambling operators ng Baguio City.
Pati ang elite unit ng CIDG ni
General Romeo Caramat Jr. ay pinangungulekta rin ng mga kupal na sina Billy at Nestor.
Ang tanong,saan humuhugot ng lakas ng loob ang mga kupal na ito para ipangulekta ng payola sina Magalong,Caramat at ang isang national media organization?
Pati umano newspaper distributors o dealers sa Baguio ay kontrolado nina Billy at Nestor.
Kapag may banat umano ang mga dyaryo na naka- base sa Manila o NCR,binibiling lahat umano ito ng grupo nina Billy at Nestor para di na magcirculate at mabasa pa ng mga taga- Baguio.
Kung ito ang MODUS OPERANDI (MO) nina Billy at Nestor,posibleng wala talagang kaalam- alam itong si Mayor Magalong sa katarantaduhan ng dalawang kupal.
In short,bukol si Mayor Magalong!
Kaya naman pala patuloy na napapanot ang buhok ng butihing alkalde dahil sa kaliwa’t kanang pambubukol nina Billy at Nestor.
Sino naman kayang tao ni General Caramat ang kakutsaba nina Billy at Nestor para tarantaduhin ang hepe ng PNP- CIDG?
Kaya naman pala kapwa napanot na ng tuluyan itong si Mayor Magalong at General Caramat!
Iskuwalado ng pareho ang bunbunan nitong sina Magalong at Caramat.
Hehehe…
Ang buhay nga naman…
Matalino man daw ang matsing, nabubukulan din!
Sana all!
May kasunod…
ABANGAN!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com