Advertisers

Advertisers

P39-B buwis target ng QC gov’t sa 2024, posible

0 12

Advertisers

P39 bilyon buwis. Ito ang target ng Lokal na Pamahalaan Lungsod Quezon na makolekta para sa taong 2024. Kaya, kaya abutin ng QC government ang nasabing halaga? Iyan ang abangan natin.

Pero sa estilo ng modernong pangongolekta ng buwis ngayon ng pamahalaang lungsod, malaki ang posibilidad na malilikom ng pamahalaan lungsod ang P39 bilyon.

Yes, epektibo na programa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na ang “online” o “digitalization” na paraan ng pagbabayad ng buwis sa lungsod. Sa programang ito ni Mayor Joy, maging mabilis ang pagbabayad o pangongolekta ng buwis bukod sa hindi pa hirap ang mga negosyante.



Pabor na pabor ito sa mga negosyante at QCitizens. Hindi na nila kailangan pang pumila “exodus” sa City Hall para magbayad ng business at real property tax …at mga tulad nito. Pinadali na ni Mayora ang lahat para sa constituents ng lungsod.

Ika nga ni Business Permit and Licensing Division chief Margie Santos, hindi na kailangan na maranasan ang mahabang pila sa pagbabayad ng buwis dahil online payment na ang paraan ng pagbabayad ng buwis.



Ito lang ba ang advantage ng online payment? Hindi lang mahabang pila at kapaguran ng mga tax payer ang nasolusyonan ng programa ni Mayor Joy kung hindi maging ang red tape…alam niyo naman na siguro ang ibig natin sabihin, lalo na ang mga naglalakad ng para sa renewal ng kanilang business permit.

So, anong say niyo mga tiwali na kawani ng City Hall, wala na kayong raket ano? Sana nga! Madame Mayor, bantay-bantaya pa rin po, kasi mayroon pa rin mga personal na nagpupunta sa city hall para magbayad ng buwis o mag-rerenew ng kanilang business permit.



Ano pa man, simula nang ipatupad ang online payment, ayon kay S@ntos umaabot na sa 69,000 business establisment na ang nakapagpa-renwe ng kanilang permit.

Aba’y, ilan linggo pa lang ang nakalilipas pero 69,000 na pala ang nakapagparenew ng kanilang permiso para sa kanilang negosyo kaya, malamang sa malaman na magtatagumpay ang city government ang kanilang pangarap na P39 bilyon para sa taong kasalukuyan.

Noong nakaraan taon, 2023, umabot sa P35 bilyon ang nakolektang buwis ng pamahalaan….dahil sa malaking koleksyon na ito, ayon kay Atty Carlo Calingas@n ng City Treasurer’s Office, ang pamahalaan ng lungsod ay binigyan ng P1.9 bilyon surplus.

At heto nga, dahil sa digitalization, inuulit natin…target ng pamahalaang lokal na hihigitan ang 2023 collection…
Anang opisyal, malaking bulto ang makokolektang buwis sa mga residente dahil sa estilong retailing.

Kaugnay nito, ayon naman kay Engelbert Apostol, hepe ng Public Affairs and Information Services, na ang mga makokolektang buwis ay ginagamit sa social services para sa disadvantages secros gaya ng senior citizens, infromal settelrs at iba pa.

Ngayon online o makamoderno na ang paraan ng pagbabayad ng buwis sa QC, hindi imposibleng makakamit ang target na P39 bilyon. Hindi imporsible ito dahil noong nakaraang taon nga ay nakakolekta ng P37 bilyon ang pamahalaang lungsod, e mano-mano pa iyan noon. So, malamang magtatagumpapay si Mayor Joy kasama ang buong puwersa ng city hall sa kanilang target na P39 bilyon. Abangan…