Advertisers

Advertisers

Pasig rehab and development project ni PBBM, suportado ni Mayor Honey

0 31

Advertisers

NAGPAHAYAG ng kanyang tapat na pagsuporta si Mayor Honey Lacuna sa proyektong inilunsad nitong Miyerkules ni President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. para sa rehabilitation and development ng Pasig River.

Sa kanyang pagdalo sa pagtitipon, isinama ni Lacuna ang kanyang team kung saan ang mga tanggapan ay maaring i-tapped upang tumulong sa project, sila ay sina City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadac at Charlie Dungo, chief of the Department of Tourism, Culture and the Arts-Manila (DTCAM).

Sinabi ng lady mayor na siya ay kumbinsido at naniniwala kay President Marcos kung saan ang proyekto ay napapanahon at dapat na ituloy.



“Sabi ni President Bongbong, magandang project na dapat ma-continue. Pagtulungan daw namin. Of course, I said ‘yes,’ specially since the project will also redound to the benefit of the city,” Sabi ni Lacuna.

“Tourism kasi ang maglalagay ng mga resto dun. Added income sa city. Saka buong stretch ng Pasig River ‘yun. Meron ding housing ‘yung tatamaan ng rehabilitation,” dagdag pa ng alkalde.



Sinabi pa ni Lacuna na maging si First Lady Louise Araneta-Marcos mismo na katabi niya noong dinner, ay nagpahayag ng katuwaan sa proyekto na isasagawa ng gobyerno ng walang gastos dahil ito ay popondohan ng private sector.

Nabatid na ang rehabilitation project na tinawag na , “Pasig, Bigyang- Buhay Muli” sasakupin ang 25-kilometer stretch ng Pasig River.



Inilunsad sa likod ng Manila Central Post Office, ang nasabing urban development project ay magtatransform sa Pasig River bilang sentro ng economic activity at magpo-promote ng transport connectivity sa Metro Manila sa kalapit na lalawigan.

Ang showcase area sa likod ng post office ay may 500 metro at magsisilbi bilang public park, na isang pedestrian-friendly walkway na concrete platform at may water fountain at lighting accent.

Ang nasabing inagurasyon ay parte ng first phase ng comprehensive, multi-agency urban renewal project na pangungunahan ng Inter-Agency Council for the Pasig River Urban Development.

Ang mga national government agencies na involved sa project ay ang Metro Manila Development Authority (MMDA) at Department of Human Settlements and Urban Development(DHSUD).

Sinabi ni Housing Secretary Jose Rizalino Acuzar na ang project ay nagkakahalaga ng P18 billion, at target na matapos sa loob ng tatlong taon.

May 10,000 informal settlers ang maapektuhan ng project pero siniguro ni Acuzar na sila ay tutulungan sa pamamagitan ng government’s housing program. (ANDI GARCIA)